Close

October 20, 2024

The Living Christ at ang Ating Future New Body

Tinatag ni Hesus ang isang bagong paraan ng pamumuhay nang Siya ay bumangon mula sa kamatayan. Sa linggong ito, ipapahayag ni Rev. Mike Cariño na ang mga sumasampalataya kay Kristo ay tiyak na makakaranas ng muling pagkabuhay patungo sa isang bagong realidad na hihigitan ang anumang ating inaasahan, at maninirahan sa isang bagong katawang ipinagkaloob ng Diyos.

Jesus established a new way of life when He rose from the dead. This week, Rev. Mike Cariño assures the faithful in Christ that we will experience resurrection in a renewed body and live in a new reality that surpasses our expectations.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 15:35-49

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung paano mo inaalagaan ang iyong katawan sa mundo at kung paano mo tinatanggap ang mga limitasyon nito.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang mga pangunahing punto mula sa bahaging ito ng Bible at paano ito nauugnay sa nakaraang dalawang mensahe tungkol sa resurrection?
• Paano naiiba ang resurrection sa “”reincarnation””?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan mo pinahahalagahan at pinaghahandaan ang buhay na walang hanggan kaysa sa buhay dito sa mundo? Ano sa palagay mo ang iyong mga motibasyon sa paggawa nito?
• Ano ang epekto ng ‘mabuhay para kay Kristo sa halip na para sa sarili’ sa iyong pamumuhay at mga prayoridad? Nahihirapan ka bang ipasa-Diyos ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang mamuhay nang may walang hanggang pananaw, na hindi gaanong nakatuon sa pansamantalang kalagayan ng iyong katawan sa mundo at pahalagahan ang pag-asa na magkaroon ng resurrection body?
• Paano naaapektuhan ng kaalaman na ang iyong katawan sa resurrection ay ‘ibabangon sa kaluwalhatian at kapangyarihan’ ang iyong kasalukuyang pananaw sa pagdurusa, sakit, o pisikal na kahinaan? Kanino mo maibabahagi ang pag-asang meron tayo dahil sa resurrection?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa pag-asa ng resurrection at ang pangako ng isang binagong katawan sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Magpasalamat sa Kanya sa katiyakan na, sa pamamagitan ni Kristo, tayo ay bubuhayin mula sa kamatayan tungo sa buhay na walang hanggan at bibigyan ng isang katawan na maluwalhati, walang kasiraan, at akma para sa Kanyang makalangit na kaharian.
• Magsisi sa mga panahong masyado kang nakatuon sa iyong katawan sa mundo at napabayaan ang walang hanggang kahalagahan ng iyong buhay kay Kristo. Humingi ng kapatawaran para sa mga panahong mas pinagtuonan natin ng pansin ang mga makamundong hangarin at makasariling hangarin kaysa sa pamumuhay para sa walang hanggang kaharian ng Diyos. Manalangin para sa isang pusong naghahangad na mamuhay sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay, na si Kristo ang sentro ng lahat ng iyong ginagawa, upang ang iyong buhay ay maging isang patotoo ng Kanyang pagbabagong gawain.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.