Close

July 21, 2024

Magtakip ng Ulo!

Bilang mga mananampalataya, ang ating kalayaan kay Kristo ay may kaakibat na mga responsibilidad. Ngayong linggo, pinaalalahanan tayo ni Rev. Mike Cariño na huwag gamitin ang kalayaang ibinigay ni Kristo para lamang sa makasariling mga layunin. Gamitin natin ito para magbigay karangalan sa Diyos at maibahagi sa iba ang Kanyang mapagpalayang presensya.

As believers, our freedom in Christ comes with responsibilities. This week, Rev. Mike Cariño urges us to not misuse our Christ-given freedom for selfish purposes. Instead, let us bring glory to God and help others know His liberating presence.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 11:2-16

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang karanasan na kailangan mong i-overcome ang isang distraction habang may worship service upang lubos na makapag-focus sa Diyos. Anong mga diskarte ang ginawa mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang itinuturo nito? Dapat bang magsuot ng panakip sa ulo ang mga Kristiyanong babae ngayon sa simbahan? Bakit o bakit hindi?
• Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay mas mataas kay Kristo, si Kristo ay mas mataas sa lalaki, at ang lalaki ay mas mataas sa babae? Nakikita mo ba ang prinsipyong ito sa mundo ngayon? Bakit o bakit hindi?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan ka nahadlangan sa iyong pagsamba o sa pagsamba ng iba nang dahil sa itsura o pag-uugali mo?
• Mayroon ka bang naobserbahan o naging bahagi ng alitan sa simbahan kung ano ang nararapat at kung ano ang hindi nararapat sa pampublikong pagsamba? Paano mo matutukoy kung ano ang nararapat sa pampublikong pagsamba?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo matitiyak na ang iyong pag-focus ay nananatili sa Diyos sa panahon ng pampublikong pagsamba, keeping the main thing the main thing (gawing pangunahing bagay ang bagay na pinakamahalaga)?
• Anong praktikal na pagkilos ang maaari mong gawin upang magamit nang mas epektibo ang iyong spiritual gifts sa pampublikong pagsamba, na nagpapahayag ng higit na karangalan sa Diyos at nakapagpapatibay ng mga kapwa mananampalataya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa magkakaibang spiritual gifts na ipinagkaloob Niya sa atin, na pinag-iisa tayo bilang isang simbahan upang patibayin at palakasin ang isa’t isa. Magpasalamat sa Kanya sa pribilehiyong magsama-sama sa pampublikong pagsamba, kung saan ang ating mga kaloob ay nagsasama-sama upang isulong ang Kanyang kaharian. Magpasalamat din sa kalayaan at pagkakataong maglingkod at sumamba sa Kanya. Ipanalangin na palagi mong gamitin ang iyong mga spiritual gifts para magbigay kaluwalhatian ang Kanyang Pangalan at patatagin ang katawan ni Kristo.
• Lumapit sa Panginoon nang may pagsisisi sa mga panahong hinayaan mo ang iyong itsura, pag-uugali, o mga distractions na hadlangan ang iyong pagsamba at ang pagsamba ng ibang tao. Ipanalangin na ang iyong pag-uugali at pag-iisip habang nagsasamba ay magdala ng karangalan sa Panginoon sa halip na kahihiyan. Ipagdasal ang simbahan, na ang bawa’t isa ay makapagbigay ng parangal sa Panginoon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.