Huwag Maging Kakatisuran: Let Love Build Up
Totoo na mayroon tayong kalayaan kay Kristo, ngunit ang tanong: Ginagamit ba natin ang kalayaang ito nang may pag-ibig at konsiderasyon para sa iba? Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na isabuhay ang kalayaang ibinigay ni Kristo nang may pagmamahal para sa ating kapwa. Magtulungan tayo at huwag maging balakid sa pananampalataya ng bawa’t isa.
Do we use love when we exercise the freedom we have in Christ? This week, Ptr. Allan Rillera urges us to use our freedom with love for our neighbor. Let us build one another up by not being a stumbling block to our fellow believers.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 8:1-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang pagkakataon na inuna mo ang kaalaman kaysa sa pagmamahal (pag-ibig). Paano ito nakaapekto sa iyong relasyon sa iba at sa Diyos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang pagkakaiba ng kaalaman at pagmamahal? (vv.1-3) Ano ang mga posibleng resulta ng pagkakaroon ng kaalamang walang pagmamahal?
• Kung sasabihin sa iyo ng isang kapwa Kristiyano, “Hindi naman makasalanan ang aking ginagawa. Kung ang ibang mananampalataya ay nagkasala bilang resulta ng aking ginagawa, problema na nila ‘yun.” Biblical ba ang pananaw niya? Paano ka tutugon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Nakikita mo ba ang iyong sarili na mas nakatutok sa iyong mga karapatan at kalayaan o sa pagsasaalang-alang sa epekto ng iyong mga aksyon sa iba? Anong mga aspeto ng iyong buhay ang kailangan mong maging mas considerate sa spiritual maturity ng iba?
• Pag-isipan ang iyong mga kilos o salita na maaaring naging sanhi ng pagkatisod ng iba sa kanilang paglago sa pananampalataya. Ano ang natutunan mo sa mga pagkakataong ito para maiwasang maulit ang mga ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin ngayong linggo upang manaig ang iyong pag-ibig sa Diyos kaysa sa iyong kaalaman?
• Tukuyin ang isang paraan na maaari mong suportahan ang isang mas mabagal sa paglago na mananampalataya sa iyong komunidad. Ano ang maaari mong gawin upang patatagin sila sa halip na maging sanhi ng kanilang pagkatisod?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa karunungan at pang-unawa na ibinibigay Niya sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Magpasalamat sa Kanya sa pagpapakita sa atin ng kahalagahan ng paggamit ng ating kaalaman sa pag-ibig at sa pagpapakita sa atin na ang tunay na kalayaan kay Kristo ay isinasaalang-alang ang kapakanan ng iba. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa patuloy na paggabay at para sa malagong relasyon na ibinibigay ni Jesus, kung saan inihahayag Niya sa atin ang mas malalim na mga Katotohanan.
• Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong hinayaan mong manaig ang iyong kaalaman at nabigong kumilos nang may pagmamahal. Pagsisihan ang anumang pagkakataon na naging sanhi ka ng pagkatisod ng mga mananampalatayang mas mabagal ang paglago dahil hindi mo isinaalang-alang ang kanilang spiritual maturity. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng lakas na kusang isuko ang iyong mga karapatan at kalayaan kung kinakailangan, upang hindi ka magkasala kay Kristo o maging hadlang sa spiritual maturity ng iba.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.