Close

May 12, 2024

Maging Banal: Honor God with your Body

Kung mahalaga sa atin na manatiling malinis ang ating pisikal na katawan, bakit natin ito hinahayaang mabahiran ng kasalanan na siyang mas nakamamatay? Ngayong linggo, ipinaalala ni Ptr. Allan Rillera na kailangan nating pangalagaan ang ating katawan nang may respeto at dignidad sapagkat ito ay pagmamay-ari ng Diyos.

We take care to wash and keep our bodies physically clean so why do we allow spiritual uncleanliness to stain our bodies when the latter is more deadly? This week, Ptr. Allan Rillera reminds us that we must treat our bodies with respect and dignity for they belong to God.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 6:12-20

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng praktikal na tip na nakita mong kapaki-pakinabang sa pagpapanatili ng kadalisayan sa iyong mga relasyon o personal na buhay.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bago mo narinig ang mensahe, ano ang iyong pagkaunawa sa kalayaan (v.12)? Naaayon ba ang kahulugang ito sa mga tinuturo sa Bibliya?
• Tukuyin kung paano itinuturo at hinihikayat ng mundo na tayo ay nabubuhay para sa ating sarili at na tayo ang nagmamay-ari ng ating mga katawan. Bakit ito mapanganib para sa ating mga Kristiyano?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano nakakatulong ang kaalaman na ang iyong katawan ay kay Kristo sa iyong pagkaunawa sa iyong pagkakakilanlan at layunin sa buhay?
• Pag-isipan ang iyong kasalukuyang mga gawi at mga desisyon. Naaayon ba sila sa katotohanan na ang katawan natin ay pagmamay-ari na ng Panginoon? Ginagamit mo ba ang iyong katawan upang magdala ng karangalan at kaluwalhatian sa Diyos? Bakit o bakit hindi?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Alin sa tatlong punto ang hinihiling ng Diyos na pagtuunan mo ng pansin? Ano ang gagawin mo simula sa linggong ito para sundin Siya?
• Paano mo maa-apply ang kabanalan sa iyong iniisip, sinasabi, at ginagawa?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Ama sa Langit sa paghahayag sa atin ng sagradong kahalagahan ng paggalang sa Kanya ng ating katawan. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa paalala ngayon na ang ating kalayaan kay Kristo ay hindi isang lisensya para sa mga gusto natin ngunit isang pagkakataon ito upang luwalhatiin Siya sa bawat aspeto ng ating buhay. Purihin Siya para sa kaloob ng ating mga katawan at ang pribilehiyong gamitin ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatian. Ipanalangin na ang iyong buhay ay patuloy na sumalamin sa kagandahan ng Kanyang kabanalan habang hinahangad mong parangalan Siya sa iyong mga iniisip, sinasabi, at ginagawa.
• Mapagpakumbaba na lumapit sa Panginoon na kinikilala ang iyong mga pagkukulang at mga lugar kung saan nabigo kang parangalan Siya ng iyong katawan. Humingi ng kapatawaran para sa mga oras na pinahintulutan mo ang iyong sarili na makontrol ng mga makamundong pagnanasa at hilig, sa halip na sumuko sa Kanyang kalooban. Magsisi para sa anumang mga pagkakataon ng sekswal na imoralidad sa templo ng Kanyang Banal na Espiritu sa loob mo. Humingi ng lakas upang tumakas mula sa tukso at lumakad sa kadalisayan at katuwiran, batid na ang iyong katawan ay mahalaga sa Kanyang paningin.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.