Close

April 14, 2024

What Love is This?

Mahal ng Diyos ang lahat at hindi Niya nais na mapahamak ang sinuman. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na tumugon sa imbitasyon ng Diyos na tanggapin ang Kanyang dakilang pagmamahal na nagbibigay kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. God loves all sinners and does not want anyone to perish. This week, Rev. Mike Cariño shares how God, through His amazing love, invites all humanity to experience salvation through Jesus Christ. It is up to us to respond to His invitation.


Basahin sa Bibliya

John 3:1-18

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang iyong pag-unawa kung ano ang pag-ibig. Ano sa palagay mo ang nagimpluwensya sa pag-unawa mo dito?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang Numbers 21:4-9. Paano inilarawan ni Jesus ang pagtukoy kay Moses at sa ahas (John 3:14-15) sa pangangailangang umasa lamang sa Kanya para sa espirituwal na pagtubos at kaligtasan? Ano ang kahalagahan ng pag-aalay ng Diyos ng kaligtasan bilang isang regalo, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa halip na sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap?
• Saliksikin ang buong book ng Hosea. Paano ipinapakita ng istorya ni Hosea ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan? Paano hinahamon ng pag-ibig na ito ang konsepto ng pag-ibig ng mundo?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Maging tapat: Habang pinag-iisipan mo ang lalim ng sakripisyo ni Jesus, nadarama mo ba na labis kang minamahal at pinahahalagahan ng Diyos? Bakit o bakit hindi? Naaayon ba ang iyong sagot sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa kung sino ka ngayon kay Jesus?
• Suriin ang iyong sarili: Mula nang matanggap mo ang regalong buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, paano nakaapekto ang kaloob na ito sa iyong pang-araw-araw na mga desisyon at pananaw sa buhay?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang mapalalim ang iyong pag-unawa at pagtanggap sa pag-ibig ng Diyos sa iyong buhay?
• May mga bahagi ba sa iyong buhay kung saan nahihirapan kang lubusang magtiwala sa pag-provide at pagpapatawad ng Diyos? Paano mo nais i-surrender ang mga aspetong ito sa Kanya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa hindi masusukat na pagmamahal na ipinakita Niya sa atin sa pamamagitan ng kaloob na Kanyang Anak, si Jesus. Magpasalamat sa Kanya sa paghayag sa atin ng lalim ng Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng Bible at sa pag-anyaya sa atin na magkaroon ng kaugnayan sa Kanya. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa katiyakan ng buhay na walang hanggan na nagmumula sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus at para sa pagbabagong kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig sa ating buhay.
• Mapagpakumbaba na lumapit sa Panginoon at kilalanin ang nakagawian mong umasa sa sarili mong pagsisikap at pang-unawa sa halip na lubusang magtiwala sa Kanyang pagmamahal at paglalaan. Humingi ng kapatawaran sa mga panahong nag-alinlangan ka sa Kanyang kabutihan at nag-aalangan na tanggapin ang Kanyang walang kundisyong pag-ibig. Hilingin sa Diyos na tulungan kang isuko ang iyong pagmamataas at pag-asa sa sarili, at bigyan ka ng lakas ng loob na ganap na yakapin ang katotohanan ng Kanyang pagmamahal sa atin. Ipanalangin na habang ikaw ay namumuhay ayon sa Holy Spirit, na lumakad ka rin ayon sa Spirit at talikuran ang anumang mga pag-iisip o pagkilos na humahadlang sa iyong kaugnayan sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.