Huwag Magpabudol sa False Teachers
Layunin ng mga huwad na guro na linlangin tayo sa pamamagitan ng kanilang kahusayan sa pagsasalita at pagganap. Paano maging alerto sa pagkilala sa kanila? Itong linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na maging bihasa sa Salita ng Diyos upang hindi tayo mabudol ng mga huwad na guro.
False teachers seek to deceive us with their eloquence and showmanship. How do we stay alert and quick to identify them? This week, Rev. Mike Cariño urges us to constantly grow spiritually in God’s Word so we are not easily deceived by these false teachers.
Basahin sa Bibliya
2 Peter 2:1-9
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang paniniwala o ideya na dati mong pinanghahawakan na sa bandang huli ay malaman mong isa pala itong ‘maling katotohanan’ na nagbigay ng mga komplikasyon sa iyong buhay. Paano mo natuklasan ang tamang pananaw, at paano ito nakaapekto sa iyong pananampalataya/paglago?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Anong mga pamamaraan ang ginagamit ng mga pekeng teachers? Paano nila iniiba ang kanilang mensahe upang ilinlang ang mga tagapakinig?
• Ano ang itinuturo sa atin ng mga halimbawa sa Bibliya na binanggit tungkol sa Diyos? Ano ang matututuhan natin tungkol sa Kanyang katarungan?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Gaano kahalaga para sayo ang kilalanin ang mga paniniwala ng mga nagtuturo o nakakaimpluwensya sa iyo sa espirituwal na paraan? Paano mo aktibong hinahangad na maunawaan ang doktrinal na posisyon ng mga sinusunod mo?
• Paano naaayon ang iyong sariling pag-uugali sa mga pamantayang moral at etikal na itinakda ng Diyos? Sa anong mga aspeto mo kailangang pagbutihin?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo makikilala ang mga maling pagtuturo kapag narinig mo ang mga ito? Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang matiyak ang isang matatag na pundasyon sa katotohanan ng Bibliya?
• Talakayin sa iyong Life Group/komunidad ang mga partikular na strategies na maaari mong gawin upang mapanatili ang mahigpit na pagkakahawak sa katotohanan sa harap ng mga pagsubok at panlilinlang. Paano makatutulong ang iyong grupo at ang mas malaking komunidad ng simbahan sa prosesong ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin at pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay sa atin ang Kanyang Anak, si Hesukristo, para mamatay sa Krus, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya ay maligtas tayo mula sa poot ng Diyos, na nararapat para sa pagiging makasalanan ng sangkatauhan. Ipahayag ang iyong pasasalamat na ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa kung ano ang ating nagawa, ngunit sa kung ano ang ginawa ni Kristo para sa atin.
• Maglaan ng oras upang magpahayag ng pagpapahalaga sa Diyos dahil ipinakita Niya ang Kanyang sarili sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang Salita. Magpasalamat sa Kanya sa mga katotohanang matututuhan natin mula sa bawat talata, sa mga babala na maaari nating pakinggan para protektahan ang ating sarili, at sa mga pangakong maaari nating panghawakan. Humingi ng tawad para sa mga pagkakataong hindi mo Siya pinansin at tinaboy mo ang Kanyang Salita dahil sa takot o pagsuway. Alamin na ang Diyos ay nananatiling tapat sa Kanyang mga pangako at hindi nabibigo sa gitna ng ating kakulangan at kahinaan.
• Hilingin sa Diyos na panatilihin kang alerto sa anumang maling aral at bigyan ka ng pag-unawa upang makilala at ilantad ang mga naghahangad na pagsamantalahan ang mga nananampalataya sa Diyos. Taimtim na ipagdasal ang mga naturuan ng mga kasinungalingan ni Satanas at na magkaroon sila ng kaalaman sa katotohanan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.