Close

September 17, 2023

Dahil Sa Ating Hope in Christ: We Can Live Right in a World Full of Wrong

Makakaranas tayo ng kahirapan at kasamaan sa ating paglalakabay sa mundong ito. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Rev. Mike Cariño na dahil ang pag-asa natin ay nakay Kristo, kaya nating talikuran ang kasalanan, tangkilikin ang Salita ng Diyos, at panghawakan ang pag-asang tanging si Siya lang ang makapagbibigay.

As pilgrims, we can expect hardship and evil in this world. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that, because of our hope in Christ, we can turn away from sin, thirst for God’s Word, and cling to the hope that Christ alone can give.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 2:1-12

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Kung tatanungin sa iyo ng isang stranger na “tell me more about yourself” ano ang sasabihin mo? (Paalala para sa mga lider: Pansinin kung ano ang kanilang iniuugnay bilang bahagi ng kanilang identity. Halimbawa: trabaho, mga tungkulin at responsibilidad, mga nakaraang karanasan, mga pangarap, mga katangian ng personalidad)

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang mga talata. Bakit tinutukoy si Jesus bilang isang Batong Buhay? (v4)
• Bakit din tayo itinuturing na mga batong buhay? (vv.4-5) At sa anong paraan tayo mga pari? (vv.9-10) Ano sa palagay mo ang mga sakripisyong maiaalay natin na nakalulugod sa Diyos?
• Sa paanong paraan tayo aliens/pilgrims? (vv.11-12) Saan pa natin ito nakita sa 1 Peter? Sa iyong palagay, bakit ito binibigyang diin ni Peter?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong puso. Gaano kadalas ka dumaan sa isang linggo nang hindi nagbabasa o nag-aaral ng iyong Bibliya? Sa palagay mo ba ay tinatanggap mo ang Salita ng Diyos nang masigasig na paraan? (v2) Ano ang mga rason na humahadlang sa iyo mula sa labis na pagnanais sa Salita ng Diyos?
• Ang isang magandang bato ay angkop sa pundasyon at sa iba pang mga bato. Ano ang mga kasalukuyang challenges na mayroon ka kay Jesus o sa iba pang believers na hinihiling ng Diyos na harapin mo?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo kinakaharap ang labanan sa pagitan ng iyong luma at bagong sarili? Mag-identify ng specific na steps at strategy para ma-overcome ang paglalaban na ito.
• Gumagamit si Peter ng sama-samang larawan: Tayo ay mga buhay na bato, may bagong prinsipyo sa buhay (piniling lahi), isang bagong pag-access sa Diyos (priest ng Hari), isang bagong pamahalaan (banal na bayan), at isang bagong may-ari (pag-aari ng Diyos). Sa anong mga konkretong paraan maaari kang mag-ambag sa simbahan upang maipakita ang mga ito? (Paalala para sa mga lider: siguraduhin na ang mga sagot ng iyong mga miyembro ay hindi lamang mababaw na pagbabago)

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Panginoong Hesus sa pagiging handang pumarito sa lupa para hamakin at itakwil alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, tayo ay maging miyembro ng Kanyang Katawan. Hilingin sa Kanya na tulungan kang mamuhay sa paraang nagpaparangal sa Kanya.
• Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng pagkauhaw para sa dalisay na handog ng Kanyang Salita upang ikaw ay umayaw sa sin at nabubuhay para sa Kanyang glory.
• Humiling sa Holy Spirit na tulungan kang matandaan na ang mundong ito ay hindi ang iyong tahanan. Humingi ng tulong sa Kanya upang maging tapat na saksi sa Diyos sa pamamagitan ng paglaban sa mga temptations at threats ng Enemy. 

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.