Hindi Man Makita, God is At Work (Part 6)
Alam ng Diyos ang lahat ng pinagdadaan nating hirap at pagsubok sa buhay. Itong linggo, babalikan at ipapa-alala sa atin ni Ptr. Mike Cariño ang pangako ng Diyos na hindi Niya tayo kailanman iiwanan o pababayaan.
God knows what we are going through, even when it seems the world has abandoned us. Listen to Ptr. Mike Cariño this week as he reminds us that God will never leave us nor forsake us. Nothing that happens is too insignificant or impossible for Him to show His power and His favor.
Basahin sa Bibliya
Esther 6:1-14
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng karanasan o obserbasyon sa iyong paligid na nagpapakita ng halimbawa ng pagiging mapagkumbaba at pagiging mayabang.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang nangyari kay Haring Xerxes?
• Ano ang nangyari kay Haman?
• Ano ang nangyari kay Mordecai?
• Anong pagkilos ng Diyos ang nakita mo sa binasang talata?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Anong mga maliit na maligro ang nakikita mo sa iyong buhay
• Ano ang itsura ng pagiging mapagkumbaba sa iyong buhay? Ano naman ang itsura ng pagiging mayabang sa iyong buhay?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong Katotohanan ang gusto mong panghawakan?
• Anong mga hakbang ang gagawin mo upang maging buhay ang Katotohanang ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang presensya at pag-aalaga. Purihin Siya dahil ang mga ito ay hindi nakadepende sa atin kungdi sa Kanyang katangian at kalooban.
• Ipagkumpisal and mga pagkakataong hinahayaan natin ang pagmamataas ang nangingibabaw sa ating mga puso at ninanais nating saktan ang iba dahil sa ating pagkamakasarili.
• Manalangin na mabatid at maging galak ang presensya ng Diyos. Manalangin para sa pagpapakumbaba at pagmamahal para sa iba at magtiwala sa karakter ng Diyos at sa Kanyang Katotohanan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.