Tukso Layuan Mo Ako: Winning Our Struggle Against Sin
Dahil tayo ay tinubos, pinalaya, at binago na ni Cristo, may kakayahan na tayong humindi sa tukso. Itong linggo, tatalakayin ni Ptr. Michael Cariño ang tungkol sa ating patuloy na pakikipaglaban sa kasalanan at kung papaano natin ito mapagtatagumpayan.
We are redeemed, saved, and transformed by Christ. Therefore, we have the power to resist temptation. This week, Ptr. Michael Cariño explains the believers’ reality of struggling with sin and how we can find victory in Christ and the power of the cross.
Basahin sa Bibliya
Romans 7
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Follow up mula sa nakaraang linggo: Ibahagi kung sa paanong paraan o hakbang ang ginawa mo nitong mga araw upang talikuran ang tukso at kasalanan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Paano inihambing ni Paul (Pablo) ang kautusan sa pagkasakop ng babae sa kanyang asawa?
- Para sa iyo, mabuti ba ang kautusan na ito o hindi? Sa anong paraan ito mabuti/hindi mabuti?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa talatang binasa?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan: Ano ang iyong mga kahinaan na maaring magtungo sa kasalanan?
- Sa anong bahagi ng karanasan ni Paul ang nakaka-relate ka?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Kapag ikaw ay nahaharap sa tukso, anong hakbang ang maaari mong gawin upang ito ay matalikuran at tuluyang mapalayo dito?
- Anong suporta ang kailangan mo mula sa ating grupo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos dahil sa pamamagitan ni Hesus tayo ay banal at matuwid sa Kanyang paningin at hindi nating kinakailangang tuparin ang batas upang maligtas.
- Ipagkumpisal ang mga panahong nanaig ang ating mga kahinaan at pagnanasa sa masama at madumi.
- Hilingin sa Banal na Espiritu na bigyan tayo ng kalakasan na talikuran ang mga tukso at magpatuloy na umasa kay Cristo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.