Close

April 17, 2022

Dahil Si Cristo Ay Buhay

Bakit mahalaga ang muling pagkabuhay ni Hesus? Ano ang epekto at kahalagahan nito sa ating buhay ngayon? Itong Linggo ng Pagkabuhay, hanapin natin ang sagot sa mga katanungang ito kasama si Ptr. Michael Cariño at sabay-sabay nating balikan ang mga pangyayari noong muling pagkabuhay ni Hesus.

Why is it so important that Jesus rose from the dead? What impact does it have on our lives? This Resurrection Sunday, let us attempt to answer these questions as Ptr. Michael Cariño looks back into what happened on the day when our Lord Jesus Christ was resurrected.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 15:12–20

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Start with a prayer

2. Engage one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng mga natutunan mula sa talata.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang importansiya ng muling pagkabuhay ni Hesus?
  • Ano ang kahalagahan na ang mga sumasampalataya kay Hesus ay muling mabubuhay?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Dahil si Hesus ay buhay ngayon, ano ang implikasyon nito sa iyong buhay?
  • Paano nababago at nahuhubog ng muling pagkabuhay ni Hesus ang iyong buhay?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Dahil si Hesus ay buhay, paano ka tutugon sa biyayang bagong buhay at pag-asa na bigay ng Diyos? Paano mo ito sisimulang gawin?

6. Engage with God in prayer (20-30 mins)

  • Magbigay papuri sa Diyos dahil sa regalong kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus. Dahil sa Kanyang muling pagkabuhay, mayroon tayong katiyakan sa ating paniniwala sa Panginoon at buhay na walang hanggan kasama Siya.
  • Magkumpisal at humingi ng kapatawaran sa Diyos sa anumang kasalanan na humahadlang at inilalayo tayo sa Diyos.
  • Ipagdasal na tulungan tayo ng Espiritu Santo na mamuhay na ayon sa Kanyang biyaya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.