Close

February 20, 2022

Huwag Mong Isuko at Iyong Labanan

Si Daniel at ang kanyang tatlong kaibigan ay dumaan sa matinding pagsubok dahil sa kanilang pananampalataya. Ngayong linggo, pinapaalalahanan tayo ni Ptr. Michael Cariño na ang Diyos ay magtatagumpay sa anumang uri ng pang-aapi, pang-uusig, at pangungutya na kakaharapin natin. Hindi tayo dapat matakot o sumuko dahil kakampi natin ang Diyos.

Daniel and his three friends endured severe oppression for standing up for their faith. This week, Ptr. Mike Cariño urges us to remember that God has the ultimate victory over all kinds of abuse and persecution. We should not fear nor give up because God is on our side.


Basahin sa Bibliya

Daniel 3

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan na mas pinili mong magkompromiso (sa pamilya, eskuwela/trabaho, atbp.). Ano ang nagtulak sa iyo upang magkompromiso?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Anong sitwasyon ang kinakaharap ng tatlong kaibigan ni Daniel? Paano sila tumugon sa sitwasyon?
  • Paano sila ginamit ng Diyos upang makilala Siya ni Haring Nebucadnezar at ng buong bansa?
  • Sa anong sitwasyon nahihirapan ang mga Kristiyano na maging tapat sa Diyos?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos? Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong sarili?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Sa anong uri ng sitwasyon ang madalas kang magkompromiso ng iyong pananampalataya?
  • Paano mo ito maibabalik sa Katotohanang natutunan natin sa Daniel 3?

5. Engage the hands (15-20 mins)

Pumili ng isa:

  • Kung ikaw ang nahaharap sa isang sitwasyon na kung saan ay natutukso kang ikompromiso ang iyong pananampalataya, paano mo susundin ang Diyos?
  • Kanino mo maaaring ibahagi ang iyong natutunan mula sa talatang ito? Paano mo ito sisimulan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Diyos dahil Siya ay tapat, dakila, at mabuti.
  • Humingi ng tawad sa Panginoon sa tuwing nakokompromiso natin ang ating pananampalataya.
  • Ipagdasal na magkaroon ng lakas ng loob at paninindigan sa ating pananampalataya, at ibahagi ang Magandang Balita sa gitna ng mga kinakaharap na mga pagsubok.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.