Tuloy ang Laban!
Ang bawat Kristiyano ay humaharap sa isang digmaang espiritwal araw-araw. Ngayong Linggo, samahan natin si Bro. Renz Raquion upang alamin ayon sa ipinahayag ni Apostol Pablo kung sino at ano ang ating kinakalaban at kung paano tayo makakalaban nang matagumpay.
Spiritual warfare is an everyday reality in every believer’s life. This week, Bro. Renz Raquion shares how the Apostle Paul revealed who and what we are up against and how we can fight victoriously.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 6:10-20
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang iyong saloobin at mga ideya ukol sa labanang espiritwal?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Bakit kailangan ng mga Kristiyano na magpalakas sa pakikipag-isa sa Diyos?
- Ano ang kahalagahan ng armor ng Diyos?
- Ano ang itinuturo ng talata na ito tungkol sa pagdarasal?
- Mula sa talata, ano ang natutuhan mo tungkol sa Devil? Ano naman ang natutuhan mo tungkol sa Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Paano mo gagamitin ang armor ng Diyos upang labanan ang masasamang pakana ng Devil? Ano ang pumipigil sa iyo upang suotin ang armor na ito?
- Accountability: Sa anong paraan ka matutulungan ng ating grupo upang maging matatag ang iyong pananampalataya at matulungan kang maisuot ang armor ng Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
Pumili ng isa:
- Sa sulat ni Pablo (Paul) para sa Ephesians, pinaalala niya na sila ay bagong sangkatauhan dahil kay Kristo. Ano ang handa kang gawin bilang isang bagong sangkatauhan kay Kristo? Paano mo ito gagawin?
- Sa pagtatapos natin sa libro ng Ephesians, mag-isip ng isang tao na maaari mong bahagian ng iyong mga natutuhan. Paano mo ito sisimulan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- – Magpasalamat sa Panginoon dahil Siya ay Diyos at sa pagbibigay sa atin ng Kanyang Katotohanan upang ihanda tayo sa pakikipaglaban sa masasamang espiritu. Magpasalamat sa Diyos dahil napagtagumpayan na ni Hesus ang pakikipaglaban sa Devil.
- Hilingin sa Diyos na tulungan tayong maging tapat, tumayong matatag sa pananampalataya, at isuot ang Kanyang armor sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na relasyon sa Kanya.
- Ipanalangin ang lahat ng mga mananampalataya na ibahagi ang ebanghelyo nang buong tapang at lakas ng loob.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.