Close

January 23, 2022

Maging Isang Mabuting Manggagawa

Matututunan natin sa libro ng Efeso kung paano tayo dapat kumilos bilang isang amo o manggagawa sa paraang naaayon sa mata ng Diyos. Samahan natin si Ptr. Allan Rillera ngayong linggo upang talakayin kung paano maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng ating trabaho.

Ephesians teaches us how we should carry ourselves, whether as masters or workers, in a way that is pleasing in the sight of God. Let us join Ptr. Allan Rillera this week as he shares biblical insights for serving God through our work.


Basahin sa Bibliya

Efeso 6:5-9

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Paano mo masasabi na malusog ang isang relasyon ng magulang at anak?
  • Ilarawan ang isang magandang relasyon sa pagitan ng amo at empleyado.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang tungkulin ng isang ama (magulang)? Ano naman ang tungkulin ng isang anak?
  • Ano ang tungkulin ng isang amo? Ano naman ang tungkulin ng isang manggagawa o empleyado?
  • Sa paanong paraan tayo dapat magpasakop sa ating Panginoong Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Pagnilayan: Anong bahagi ng iyong buhay ang nahihirapan kang magpasakop sa Diyos (relasyon, pinansiyal, trabaho, atbp.)? Ano ang dapat mong ayusin upang maging maluwag ang iyong kalooban sa pagpapasakop sa Diyos nang buong puso?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin sa darating na linggo upang magbago at para magkaroon ng buong pusong nagpapasakop sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos sa Kaniyang halimbawa ng pagiging pinuno, disiplina, at pag-ibig na dapat nating tularan.
  • Ipanalangin na magkaroon ng isang puso na handang magpasakop sa pamumuno ng Diyos at sumunod ng bukal sa loob.
  • Ipagdasal ang mga alalahanin ng bawat isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.