Close

January 16, 2022

Si Mister, Si Misis, at Si Kristo

Upang mapagtagumpayan ang buhay mag-asawa, dapat gampanan ni mister at ni misis ang tungkulin nila sa isa’t-isa ayon sa intensyon ng Diyos. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Joseph Ouano ang disenyo ng Diyos para sa buhay may-asawa at ang kahalagahan ng indibidwal at magkasamang pagsunod kay Hesus.

Husbands and wives must know their God-given roles to have a successful marriage. This week, Ptr. Joseph Ouano explains God’s design for married life and the importance for married people to rely on Jesus and obey His will as individuals and as a couple.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 5:21-33

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Para sa mga may asawa na, ano ang nae-enjoy mo bilang may kabiyak?
  • Para sa mga wala pang asawa, ano ang itsura ng isang maka-Diyos na kasal at samahan para sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Mula sa talata, ano ang tungkulin ng misis bilang pagsunod kay Kristo?
  • Ano naman ang tungkulin ng mister bilang pagsunod kay Kristo?
  • Mula sa halimbawa ni Kristo, ano ang natutunan mo tungkol sa pagpapasakop?
  • Mula sa halimbawa ni Kristo, ano ang natutunan mo tungkol sa Kanyang pagmamahal?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa mga may asawa, ano sa iyong mga tungkulin bilang isang kabiyak ang madali o kaya naman, anong utos ng Diyos ang mahirap sundin?
  • Para sa mga wala pang asawa, kamusta ang iyong relasyon sa mga lider na nilagay ng Diyos sa iyong buhay o sa mga mas nakakatanda sa iyong pamilya?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Para sa mga may asawa, ano ang maaari mong gawin upang maging isang mister/misis na ayon sa kagustuhan ng Diyos? Paano mo ito gagawin?
  • Para sa mga wala pang asawa, ano bahagi ng iyong buhay ang kailangan mong ipasakop kay Kristo o ano ang maaari mong gawin upang lubusan mong sundin ang Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos sa modelo ng pagpapasakop ni Hesus sa Ama at sa Kanyang labis na pagmamahal para sa atin sa krus.
  • Humingi ng pagpapatawad sa tuwing sumusuway tayo sa Diyos at binabalewala ang Kanyang pagmamahal.
  • Humingi ng lakas mula sa Espiritu na tulungan tayong magpasakop kay Kristo at sa mga taong inilagay Niya sa ating buhay bilang lider, at magmahal nang tulad ni Kristo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.