Close

November 14, 2021

Pagkakaisa sa Sambahayan ng Diyos

Kung gaano kahirap para sa mga magulang na makitang hindi nagkakasundo ang kanilang mga anak, ganoon rin kasakit para sa Diyos ang makiting hindi nagkakaisa ang mga mananampalataya. Sa mensaheng ito, hinikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na pakinggan ang payo ni Apostol Pablo (Paul) na mamuhay nang mapayapa at may pagkakaisa.

Just as it pains a parent to see their children in conflict with one another, so it is heartbreaking for our God when believers do not live in unity. In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to heed Paul’s advice to live in peace and in unity with one another.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 4:1-10

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan na nagpapakita ng pagkakaisa. Ano ang naghikayat sa inyo na magkaisa?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ayon sa vv. 1-3, sa anong paraan dapat mamuhay ang mga Kristiyano? Ano ang motibasyon para mamuhay tayo sa ganitong paraan? (Note to leaders: Maaaring balikan ang Ephesians 1-3)
  • Ano sa palagay mo ang mangyayari kapag namuhay ang mga Kristiyano nang naaayon sa paraang inilahad ni Pablo (Paul)?
  • Ano sa palagay mo ang mangyayari kapag iba-iba ang motibasyon at hindi nagkakaisa ang mga Kristiyano?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Pagnilayan at ibahagi: Ano ang naghihikayat sayo na mamuhay sa paraang karapat-dapat sa iyong pagkakatawag (na inilarawan sa Ephesians 4:1-3)?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Upang makamit ang pagkakaisa, dapat tayong tumuon kay Jesus nang higit pa sa ating mga pagkakaiba-iba. Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang tumuon kay Jesus sa halip na sa ating mga pagkakaiba-iba?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal na magkaroon ng tamang motibasyon na tumuon kay Kristo upang mamuhay sa paraang karapat-dapat sa tawag na natanggap natin at magkaisa bilang isang Katawan.
  • Manalangin at humingi ng kapatawaran at lakas sa Diyos para sa mga oras na nahihirapan tayo sa mga pagkakaiba-iba ng tao.
  • Ipagdasal ang mga alalahanin ng isa’t isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.