Ngayong Tayo ay Nakay Kristo Na
Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na pagtibayin ang ating pag-ibig sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng pagdanas sa lakas na bigay ng Diyos, pag-unawa sa Kanyang pag-ibig, at pagiging puno ng Kanyang katangian.
This week, Ptr. Michael Cariño urges us to strengthen our love for God and for others by experiencing God’s strength, understanding His love, and being filled with the fullness of God.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 3:14-21
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang ibig sabihin na mapuno ng katangian ng Diyos? Paano mo ilalarawan ang isang taong puno ng katangian ng Diyos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang mga bagay na ipinagdasal ni Paul?
- Basahin ang vv. 16-17. Ano ang ibig sabihin para sa iyo na binibigyan ka ng Diyos ng lakas sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu?
- Paano inilalarawan ng talatang ito ang pag-ibig ng Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa aling bahagi ng iyong buhay ka nahihirapan sundin ang Diyos? Ano ang magtutulak sa iyo na sundin Siya upang maranasan ang pagiging puno ng katangian ng Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Anong mga hakbang ang maaari mong gawin patungo sa pagsunod sa Diyos?
(Paalala sa mga lider: Huwag pilitin ang miyembro kung hindi pa siya handang sumunod sa Diyos nang lubusan. Hikayatin lamang silang mag-umpisa sa pamamagitan ng maliliit na hakbang.)
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang kapangyarihan na nasa atin at sa Kanyang hindi masusukat na pag-ibig para sa atin.
- Sa dinaranas nating mga paghihirap, manalangin na palakasin tayo ng kapangyarihan ng Diyos upang buong pusong sumunod at magpasakop sa Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.