Close

October 31, 2021

Dahil sa Church

Bakit nga ba mayroong simbahan o church? Ngayong linggo, samahan natin si Bro. Renz Raquion upang alamin ang tungkulin ng simbahan sa pagbubunyag ng walang hanggang karunungan ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Magandang Balita sa lahat.

Why does the Church exist? This week, Bro. Renz Raquion explains that the Church plays an important role in revealing God’s infinite wisdom by sharing the Gospel to all.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 3:1-13

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Para sa iyo, ano ang itsura ng paglilingkod sa Panginoon? Sa anong paraan tayo makapaglilingkod sa Panginoon?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang iyong saloobin tungkol sa paglilingkod sa Panginoon?
  • Ano ang iyong ugali/saloobin habang naglilingkod ka sa Panginoon?
    (Note to leaders: Piliin ang unang katanungan para sa mga miymebro na hindi pa naglilingkod sa Panginoon)

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ilarawan ang ugali/saloobin ni Paul sa paglilingkod sa Panginoon. Paano natin siya dapat tularan?
  • Sa v.6, ano ang misteryong ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Paul? Ano ang kahalagahan ng misteryong ito para sa iyo ngayon?
  • Ano ang tungkulin natin bilang simbahan sa misteryong naipahayag?
  • Anong parte ng iyong buhay ang kailangang pagtuunan ng pansin upang mas maging mabisa ang iyong pagpapatotoo sa Magandang Balita?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mag-isip ng isang taong gusto mong bahagian ng Magandang Balita. Sa anong paraan mo maihahatid ang Magandang Balita sa kanya sa darating na linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Pagpapasalamat sa Diyos sa paghahayag ng misteryo sa atin bilang Kanyang simbahan at sa pagbibigay sa atin ng pribilehiyong maglingkod sa Kanya.
  • Ipagdasal na magkaroon ng pusong nagnanais na ibahagi ang Magandang Balita at handang sundin ang Panginoon, at para sa mga oportunidad na paglingkuran Siya upang maibahagi si Kristo sa iba.
  • Ipagdasal ang mga alalahanin ng bawat isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.