Close

October 24, 2021

Iisa kay Kristo

Tinatawag tayong lahat ng Panginoon na magkaisa sa Kanya sa pamamagitan ni Kristo. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na tingnan ang ating kapwa gamit ang mga mata ni Hesus upang tayo ay makapamuhay nang may kapayapaan at pagkaka-isa bilang isang bagong sangkatauhan kay Kristo.

God calls all people to be united to Him through Christ. This week, Pastor Joseph Ouano urges us to view one another through the eyes of Jesus so that we may live with peace and unity in our new humanity in Christ.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 2:11-22

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang pagkakataon kung saan nakaranas ka ng hidwaan o di-pagkakaunawaan sa ibang tao. Ano ang naging sanhi ng hidwaan?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Nagkasundo na ba kayo? Kung oo, kamusta ito? Kung hindi, ano ang pumipigil sa iyo upang magkipagkasundo?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Sa vv. 11-12, ano ang ibig sabihin na ang isang tao ay “di-tuli” (basahin ang Genesis 17:1-14)? Ano raw ang katayuan ng mga taong di-tuli?
  • Paano pinag-isa ni Hesus ang mga Hudyo (Jews) at mga Hentil (Gentiles)? Paano si Hesus naging ating kapayapaan? Ano ang kahalagahan ng pakikipagkasundo natin sa Diyos at sa ibang tao?
  • Mula vv. 11-12 hanggang vv. 19-22, ano ang nagbago nang namatay si Kristo sa krus? Ano ang kabuluhuan para sa iyo na ikaw ay kabilang sa “bagong bayan” o “bagong sangkatauhan” sa pamamagitan ni Kristo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Bilang isang bagong tao, naninirahan ang Diyos sa buhay mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Paano nagbago ang buhay mo? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin simula ngayong linggo upang mas maging katulad ni Kristo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos:
    • Dahil si Hesus ang ating Kapayapaan at sa pamamagitan ni Hesus, maaari na tayong manumbalik sa Diyos.
    • Tayo ay kabilang sa bagong sangkatauhan – bilang mga miyembro ng pamilya ng Diyos.
    • Sa Kanyang paninirahan sa ating buhay.
  • Manalangin para sa kapangyarihan ng Diyos na nasa atin at para sundin natin ang udyok ng Espiritu Santo na Siyang tutulong sa atin na makapagbagong-buhay, maging katulad ni Kristo, at makipagkaisa bilang mga anak ng Diyos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.