Ika’y Lubusang Pinagpala ng Diyos
Inaalis ba ng mga pagkakataon at hindi napagbigyang kahilingan ang iyong kasiyahan sa buhay? Sa mensaheng ito, hinihikayat ni Ptr. Allan Rillera ang bawat Kristiyano na purihin ang Panginoon sapagkat hindi man natin palaging napagtatanto, tayo ay lubus-lubos na pinagpala ng Diyos.
Do circumstances and unanswered requests rob you of happiness? In this message, Ptr. Allan Rillera urges Christians to praise the Lord for we are blessed far more than we realize.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 1:3-14
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Paano ka pinagpala ng Panginoon nitong nakaraang linggo?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Kamusta ang iyong ugali/saloobin noong matanggap mo ang pagpapala?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Tukuyin ang mga pagpapalang ibinigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Kristo.
- Alin sa mga pagpapalang ito ang pinaka-tumatak sa iyo? Para sa iyo, ano ang kabuluhan na ibinigay sa’yo ng Diyos ang pagpapalang ito?
- Bakit mahalagang maunawaan na ang mga biyaya ito ay ibinigay sa pamamagitan ni Kristo? (Para sa mga leader: Pagkakataon ito upang maibahagi ang Magandang Balita)
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ang mga pagpapalang ito ay ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Sa anong paraan ka maaaring tumugon sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos na sa pamamagitan ni Kristo tayo ay napili, kinupkop, pinatawad, kabahagi, at tagapagmana sa kaharian.
- Ipanalangin na lagi nating maisaalang-alang ang ginawa ni Kristo at na dapat tayong tumugon sa Kanya na may pusong nagpapasalamat.
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.