Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (4)
Sa gitna ng pagdurusa, maaari nating maramdaman na tila walang nagmamahal sa atin at puro kaaway ang pumapalibot sa atin. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na alalahaning ang Diyos ay ang Tagapagligtas at maaasahan natin Siya upang protektahan ang mga inaapi.
Amidst the stresses of life, it can feel like no one loves you and you are surrounded by enemies on all sides. This week, Ptr. Michael Cariño urges us to remember that God is the Savior and we can count on Him to protect the oppressed.
Basahin sa Bibliya
Job 19
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Pagmuni-muni
- Pagnilayan ang isang karanasan kung saan ipinagtanggol ka. Pagnilayan naman ang isang karanasan kung saan iniwasan o iniwan ka.
3. Engage the heart
- Ano ang iyong saloobin tungkol sa Katotohanang ang Diyos ang iyong Tagapagtanggol/Tagapagligtas?
4. Engage the mind
- Anong tatlong Katotohanan ang pinanghawakan ni Job sa gitna ng kanyang pagdurusa? (v.25, 26-27, at 28-29)
- Paano hinarap ni Job ang mga akusasyon ng kanyang tatlong kaibigan?
- Sa panahon ng pagdurusa, ano ang maaaring maging saloobin mo patungkol sa iyong mahirap na pinagdaraanan kapag alam mong ang Diyos ang iyong Tagapagtanggol/Tagapagligtas?
5. Engage the hands
- Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang maalala na ang Diyos ay ang Tagapagtanggol/Tagapagligtas kapag ikaw ay nasa gitna ng pagdurusa?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal
- Ipagdasal ang sarili at ang iyong mga mahal sa buhay.
- Karunungan para sa mga pinuno ng gobyerno para labanan ang tumataas na kaso ng Covid-19 at para mapagaralan ang mga ginagawa ng ibang bansa na maaaring makatulong sa Pilipinas.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.