Close

June 20, 2021

Kung ang Buhay ay Walang Katiyakan

Paano nga ba tayo maaring tumugon sa walang katiyakan ng buhay? Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na magtiwala sa Panginoon sapagkat Siya ang magbibigay ng kasiyahan at kabuluhan sa ating maikli at walang kasiguraduhang buhay sa mundo.

How can we respond to the uncertainties of life? This Sunday, Ptr. Michael Cariño urges us to trust in God for He is able to transform our short and uncertain earthly lives into one that is meaningful and worthwhile.


Basahin sa Bibliya

Ecclesiastes 11:1-8

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang bagay na pinag-iisipang mong pagpursigihan o hangarin (pinansiyal, trabaho, relasyon, pisikal, atbp.)?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang humahadlang sa iyo sa paghahangad nito? Ano ang mag-uudyok sa iyo para gawin ang mga hakbang tungo sa hangarin na ito?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang tinuturo sa atin ng talatang ito tungkol sa ating pag-uugali tungkol sa pakikipagsapalaran?
  • Ano ang tinuturo sa atin ng talatang ito tungkol sa katamaran?
  • Ano ang tinuturo sa atin ng talatang ito tungkol sa mga bagay na hindi natin nalalaman?
  • Ano ang tinuturo sa atin ng talatang ito tungkol sa pagtatamasa o pag-enjoy ng ating kasalukuyang kalagayan?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Batay sa iyong natutunan mula sa talata, anong pag-uugali ang maaari mong baguhin o pag-ibayuhin upang harapin ang kawalang katiyakan ng buhay? Paano mo ito gagawin?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa at ang ibang mga bansa. (10-15 minutes)
    • Na makarating ng maayos ang mga bakuna mula sa pribadong sektor sa mga susunod na buwan.
    • Ang sitwasyon sa Myanmar na nababahiran ng karahasan at kamatayan matapos kunin ng militar ang kapangyarihan mula sa gobyerno.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.