Close

June 13, 2021

Utak ang Gamitin

Sa dami ng desisyon na hinaharap natin sa araw-araw, kailangan natin ang karunungan upang umiwas sa kapahamakan. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na layuan ang kasiraan at kahangalan sa pamamagitan ng pagpapairal ng karunungan sa ating bawa’t salita at gawa.

With so many decisions to make everyday, we need wisdom to avoid danger and ruin. In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to avoid folly and be wise in our every word and every action.


Basahin sa Bibliya

Ecclesiastes 10

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan kung kailan may nagawa o nasabi ka na sa kalaunan ay napagtanto mo na hindi kakikitaan ng karunungan.

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Pagpapatuloy mula sa ‘Engage with One Another’: Paano mo napagtanto na hindi kakikitaan ng karunungan ang iyong nagawa? Ano ang mas mabuting gawin na nagpapakita ng karunungan?
  • Maglaan ng isang minutong katahimikan upang pagnilayan ang iyong mga gawain at mga salita. Sa anong mga paraan ito nagpapakita ng karunungan ng Diyos?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ikumpara ang puso ng taong may karunungan at ang puso ng hangal.
  • Ikumpara ang mga gawain ng taong may karunungan at ang gawain ng hangal.
  • Ikumpara ang mga salita ng taong may karunungan at ang salita ng hangal.

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong uri ng mga salita at kilos and maaari mong gawin na upang mapairal ang karunungan ng Diyos sa iyong buhay? Paano mo ito maisasagawa?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Nananatiling mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 – may humigit-kumulang na 5,000 na nagpopositibo at 100 na pumapanaw sa bawat araw.
    • Sinimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga economic frontliner at sa mga mahihirap na Pilipino ( A4 at A5 sa listahan ng priyoridad ng bakuna) upang magkaroon ng herd immunity o proteksiyon ng karamihan sa lalong madaling panahon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.