Ang Magandang Buhay
Ang Diyos ang Maylikha ng lahat at Siya lamang ang makakapunan sa puwang na nasa ating mga puso. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na maging wise o marunong at lumapit sa Diyos na Siyang makakapagbigay kabuluhan at kagandahan sa ating mga buhay.
God is the Creator of all things and He alone can fill the void in our hearts. In this message, Ptr. Joseph Ouano urges us to be wise by seeking Him and depending on Him who is able to make our lives meaningful and beautiful.
Basahin sa Bibliya
Ecclesiastes 7
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Mula sa talatang ito, ano ang matututunan natin tungkol sa karunungan?
- Ano ang sinasabi ng Mangangaral tungkol sa kamatayan? Bakit Niya tayo hinihimok na isipin ang tungkol sa kamatayan?
- Basahin ang vv.16-18. Ano ang sinasabi ng mga talatang ito tungkol sa pagging masyadong ‘righteous’/mabuti at pagiging masyadong ‘wicked’/masama? Ano ang ibig sabihin ng mga ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Para sayo, ano ang itsura ng “wise living” o pamumuhay nang may karunungan?
- Ano ang ibig sabihin sa iyo na si Jesus ang Blueprint para sa karunungan?
- Paano mapupuno at mahuhubog ng karunungan ang ating pamumuhay kapag ang ating paningin ay nakatutok kay Jesus?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang maari mong baguhin upang mabuhay nang may karunungan? Ano ang pwede mong gawin patungo rito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Nilalayon ng gobyerno na simulan ang pagbabakuna sa mga economic frontliners (hal. driver, food industry personnel, etc.), mga maralitang mamamayan, ang mga A4 at A5 sa priority list para sa bakuna, pagkatapos ng buwan ng Mayo.
- Kaligtasan para sa mga pinuno ng gobyerno at wasto at angkop na mga payo para sa pagpapasyang gagawin para sa sambayanang Pilipino.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.