Close

January 17, 2021

Ang Pinakamakapangyarihang Bansa sa Hinaharap

Marami ang umaasang mamuhay sa isang makapangyarihang bansa na nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mga mamamayan nito. Sa mensaheng ito, ipinapaalala sa atin ni Ptr. Allan Rillera na ang presensiya ng Diyos ang tanging makapagbibigay ng tunay na kasiguraduhan at kaligtasan.

Many hope to live in a powerful nation that grants protection and security to its citizens. In this message, Ptr. Allan Rillera reminds us that only God’s presence provides real assurance and safety.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 2:1-13

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Magbahagi ng karanasan kung kailan damang-dama mo ang seguridad o tiyak na kaligtasan. Ano ang nakapagparamdam nito sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang ibig sabihin ng, ‘Sapagkat ako ay magiging sa kanya’y isang pader na apoy sa palibot‘?
  • Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng ‘luwalhati’?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa passage na ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Basahin ang v8. Ano ang ibig sabihin na tayo ay “itim ng mata ng Diyos”? Paano tayo magiging itim ng mata ng Diyos?
  • Para sa iyo, ano ang kahalagahan na mayroong hinahandang lugar si Hesus para sa iyo at ikaw ay kabilang sa Kaniyang kaharian?
  • Basahin ang vv. 10-11. Ano ang ipinapakita ng talatang ito tungkol sa hangarin ng Diyos? Para sayo, ano ang kabuluhan na hangad ng Diyos na ikaw ay makasama?
  • Bakit mahalaga na ang Diyos ay kasama mo ngayon at gayundin sa hinaharap?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ngayong darating na linggo, paano ka magiging isang instrumento ng pagpapala sa iba upang maibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa kanila? (v. 11)
  • Saan mo hinanahap ang iyong seguridad o kaligtasan? Paano mo maisasabuhay ang paghanap ng seguridad sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Karunungan para sa mga pinuno ng gobyerno sa pagbili at pagbadyet para sa bakuna; pamamayani ng integridad.
    • Paghahanda ng mga lokal na pamahalaan para sa pamamahagi at pagbibigay ng mga bagong bakuna sa mga darating na buwan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.