Kung Ikaw ay Napalayo sa Diyos
Huwag tayong mag-atubiling bumalik sa Panginoon tuwing tayo ay napapalayo sa Kanya. Sa mensaheng ito, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na kung tayo ay magbabalik loob sa Diyos nang may pagsisisi at pagpapakumbaba, maasahan natin ang pangako Niyang magbalik din sa atin.
Let us be quick to return to the Lord whenever we stray from Him. In this message, Ptr. Joseph Ouano reminds us that if we return to God with repentance and humility, we can rely on His promise to return to us.
Basahin sa Bibliya
Zechariah 1:1-6
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
- Magbahagi ng isang mahalagang bagay na natutunan mo mula sa iyong mga magulang.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Bakit galit ang Diyos sa mga Israelita?
- Ano ang ipinapagawa ng Diyos sa mga Israelita? Bakit Niya gustong bumalik sa Kanya ang mga Israelita?
- Bakit binalaan sila ng Diyos na huwag maging katulad ng kanilang mga ninuno?
- Basahin ang verse 6. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa salita ng Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Para sa’yo, gaano kahalaga ang salita ng Diyos? Paano mo ito pinahahalagahan?
- Ang salita ng Diyos ay walang-hanggan at totoo. Ano ang kabuluhan nito para sa’yo?
- Pagnilayan: Anong mga maling gawain ang dapat mong talikuran?
- Ikaw ba ay malayo sa Diyos ngayon? Paano ka kinakausap ng Diyos gamit ang mensaheng ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Iniimbitahan ka ng Diyos na manumbalik sa Kanya. Paano ka tutugon?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Mag-ingat at maghanda para sa posibleng post-holiday na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19
- Patuloy na rehabilitasyon para sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Rolly at Ulysses
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.