Close

December 6, 2020

Sabi ng Diyos: Magpakatatag Kayo

Saan natin mahahanap ang Diyos sa mga panahon ng sakuna? Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Allan Rillera na ang Diyos ay hindi limitado sa mga lugar ng pagsamba. Dahil kay Hesus, ang presensiya ng Panginoon ay nasa atin at patuloy nating masasaksihan ang Kanyang kaluwalhatian.

Where do you go to seek God in times of calamity? This week, Ptr. Allan Rillera reminds us that God is not limited to our official places of worship. Instead, His presence is in us and everyone can witness His glory through our Lord Jesus Christ.


Basahin sa Bibliya

Haggai 2:1-9

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Ano ang naaalala mo mula sa mensahe?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Bakit napanghihinaan ng loob ang mga Israelita?
  • Ilarawan ang kaluwalhatian ng Templo. Gaano kahalaga ang Templo at ang kaluwalhatian nito?
  • Paano sila hinimok ng Panginoon?
  • Paano mapapatunayan ang presensiya ng Panginoon?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang ginagawa mo sa tuwing ikaw ay napanghihinaan ng loob? Paano ka hinihimok ng Panginoon gamit ang Kanya salita?
  • Naniniwala ka bang kasama mo ang Diyos? Bakit? Ano para sayo ang makasama ang Diyos?
  • Paano natin masasaksihan ang kaluwalhatian ng Diyos sa hinaharap? Ito ba ay isang bagay na inaasam mo? Bakit?
  • Paano ka hinihikayat ng Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang salita ngayon?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa darting na linggo, paano mo itutuon ang sarili sa presensiya ng Diyos imbis na sa mga alalahanin at kawalan ng katiyakan sa ating paligid?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Karunungan para sa mga pinuno ng gobyerno sa pagsuri at pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 para sa 60M na populasyon ng bansa
    • Umabot na sa 8.7% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Oktubre 2020; katumbas nito ay 3.8 milyong Pilipino na nawalan ng trabaho

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.