Butas ang Bulsa Mo: When God is No Longer First in Your Life | From Ruin to Glory
Malalaman natin kung gaano tayo kalapit sa Diyos depende sa kung ano ang una sa ating mga buhay. Ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ni Ptr. Michael Cariño na kapag ang Diyos ay una sa ating puso, nasa atin na ang lahat. Ngunit kung ang sarili ang una sa ating puso, parang lagi tayong may kulang kahit makamit man natin ang lahat.
Our priorities reveal the state of our relationship with God. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that when God is first in our hearts, we have it all. But when we put ourselves above God, our lives will feel incomplete even when it seems we’ve gained and achieved everthing.
Basahin sa Bibliya
Haggai 1:1-15
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
- Mangyaring ibahagi ang isang pagkakataon kung kailan nakalimutan mo ang isang mahalagang bagay. Ano ang nangyari?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Bakit ipinadala ng Diyos si Haggai bilang mensahero? Tungkol saan ang mensaheng hatid niya? Paano tumugon ang mga Israelita?
- Anong klaseng pamumuhay mayroon ang mga Israelita noong hindi nila prayoridad ang Diyos?
- Ano ang pangako ng Diyos na nakapaghikayat sa kanila?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Nagkaroon ka na ba ng karanasan kung saan sinubukan mong hanapin ang kasiyahan mula sa iyong sariling kakayahan at tagumpay? Anong nangyari?
- Pagnilayan: Sa tingin mo, sa aling aspekto ng iyong buhay maaring wala ang presensiya ng Diyos? Ano ang gagawin mo upang ang Diyos ang iyong maging prayoridad sa aspektong ito?
- Bakit mahalagang maging una ang Diyos sa buhay natin?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Paano magiging unang prayoridad ang Diyos sa iyong buhay? Isipin ang mga hakbang na maari mong gawin sa darating na linggo.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Quarantine Update:
- Ang pagbalik ng Davao sa GCQ dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19
- Ang NCR ay nasa ilalim ng GCQ hanggang sa katapusan ng taon
- Ang paghahanda para sa posibleng pagtaas ng mga kaso paglipas ng Pasko at Bagong Taon.
- Pagbawi ng ekonomiya ng Pilipinas.
- Quarantine Update:
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.