Close

October 25, 2020

Kung Hindi Mo Makita Ang Katarungan ng Diyos

Bakit hinahayaan ng isang Diyos na makatarungan ang kasamaan, kalupitan, at karahasan sa ating lipunan? Sa mensaheng ito, inaanyayahan tayo ni Ptr. Mike Cariño na magtiwala sa Panginoon at tanggapin ang Kanyang pagdadalisay sa ating mga buhay. Sa araw ng Kanyang paghahatol, Siya ang maglilinis, magtatama, at magbabalik ng katarungan sa ating mundo.

Why would a God of justice tolerate the presence of evil, suffering, and pain in the world? In this message, Ptr. Mike Cariño invites us to trust in God and submit to His purifying work in our lives. When His justice comes, God will redeem, refine, and restore our broken world.


Basahin sa Bibliya

Malachi 2:17-3:6

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Magbahagi ng isang pagkakataon na naramdaman mong nanaig ang kawalang-katarungan.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang isyu ng mga Israelita? Bakit sila nagdududa sa hatol ng Diyos?
  • Ilarawan ang mga mangyayari sa pagbalik ni Jesus. Bakit ikinumpara ni Malachi ang katarungan ng Diyos sa apoy at sabon? Ano ang ibig sabihin nito?
  • Paano itatama ng Diyos ang mga mali? Ano ang ibig sabihin na tayo ay dinadalisay ng Diyos?
  • Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay Makatarungan at Maawain?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Sa paanong paraan ka dinadalisay ng Panginoon? Anong mga dumi sa iyong puso ang nililinis ng Diyos? Anong klase ng puso ang handang magpadalisay sa Panginoon? Ganito ba ang iyong puso?
  • Lahat tayo ay makasalanan. Lahat tayo ay karapat-dapat sa paghuhukom ng Diyos. Ano ang bigat ng ating mga kasalanan? Ano ang kabuluhan ng pagkamatay ni Jesus sa krus? Ano ang kahulugan ng Kanyang muling pagkabuhay para sa iyo at sa akin? (Basahin ang Romans 3:26)
  • Ano ang kabuluhan para sa iyo na mayroong tipan si Jesus sa atin? Anong ibig sabihin nito para sa iyo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa iyong natutunan tungkol sa salita ng Diyos mula sa mensaheng ito, paano ka tutugon sa tuwing nakikita mo o nararamdaman mo ang kawalan ng katarungan sa ating mundo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Ayon sa DOH, nakaka-alarma ang (1) pagtaas ng bilang ng mga tumatawag sa hotline ng National Center for Mental Health sa gitna ng pandemyang COVID-19; (2) pati na rin ang 53 buwanang average na bilang ng mga kaganapang may kinalaman sa pagpapakamatay.
    • Ang pag-endorso ni Pope Francis ng civil union para sa magkaparehong kasarian, at ang pagtugon ng ating bansa rito.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.