Close

August 23, 2020

Elijah: Paano Kung Parang Gusto Mo nang Sumuko?

Ang mga taong matatag ay hindi ‘yong mga palaging matagumpay, kundi ‘yung mga ayaw sumuko kahit na sila ay tila natatalo na. Sa mensaheng ito ni Ptr. Michael Cariño, makikita natin sa buhay ni Elijah na sa mga panahong gusto na nating sumuko, doon rin maaring may gagawin ang Diyos na talagang matindi sa ating mga buhay. Wag tayong susuko; ang Diyos ang tutulong sa atin upang makatayong muli.

The strongest people are not always the ones who succeed; rather, they’re the people who do not give up even when they seem to fail. Learning from the life of Elijah, Ptr. Michael Cariño reminds us that the moment when we are ready to quit is probably the moment when God is about to do something great in our lives. Don’t give up; God will help you get up.


Basahin sa Bibliya

1 Kings 19:1-18

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Kamusta ka nitong nakaraang linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang pinagdaanan ni Elijah? Paano napagtagumpayan ni Elijah ang kaniyang pagkalugmok?
  • Basahin ang 1 Kings 19:4-8. Ano ang pinagawa ng anghel ng Panginoon kay Elijah? Bakit mahalaga ang magpahinga?
  • Basahin ang 1 Kings 19:9-10. Ano ang isinumbong ni Elijah sa Panginoon?
  • Basahin ang 1 Kings 19:11-13. Sa paanong paraan itinutok ni Elijah ang kaniyang puso sa Diyos? Paano ito nakatulong para hindi siya sumuko sa mga pagsubok sa buhay?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa mensaheng ito? Anong klaseng relasyon ang mayroon si Elijah at ang Panginoon?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa ’yo, mahalaga ba ang magpahinga? Bakit?
  • Ano ang pumipigil sa ’yo na lumapit at sabihin sa Panginoon ang iyong mga hinanakit?
  • Anong mga hinanakit o galit sa puso mo ang gusto mong isumbong sa Panginoon?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano ka magiging matatag sa iyong pinagdadaanan ngayon?
  • Paano mo ipapasa-Diyos ang pinagdadaanan mo? Sa paanong paraan mo itututok ang iyong puso sa Diyos? Aling aspeto ng iyong buhay ang kailangan mong ipasa-Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pagsasanay ng mga guro at paghahanda para sa darating na pasukan; pagpaplano para sa pagpapatupad ng mga bagong sistema sa mga paaralan
    • Balanse ng pahinga at trabaho para sa mga nagtatrabaho mula sa kani-kanilang tahanan
    • Karunungan sa pagpaplano patungo sa isang mas mahigpit na pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ)

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.