Ang Diyos Maawain | Draw Near to God
Kung mananatili tayong nakatitig sa mundo, malulunod tayo sa dami ng karahasan at kalupitan na makikita natin. Ngunit kung itutuon natin ang ating mga mata sa Panginoon; maasahan natin ang Kanyang naguumapaw na awa. Inaanyayahan tayo ng Psalm 123 na tumingin at magsumamo sa Diyos dahil Siya ay maawain.
When we fix our eyes on this world, we will drown in its harshness. But if we fix our eyes on the Lord; we will find hope in His abundant mercy. Psalm 123 invites us to fix our eyes on the Lord and fervently seek Him for our God is merciful.
Basahin sa Bibliya
Psalm 123
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage one another (15-30 mins)
- Ano ang natutunan mo sa mensahe?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Awit 123.
- Sa talatang ito, paano mo mas nakilala ang Panginoon?
- Ayon sa talata, paano tayo titingin sa Panginoon?
- Paano tumugon ang mangaawit sa mga mayayabang?
- Paano ipinapakita ng talata na ito ang karanasan ni Hesus sa krus?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Magbahagi ng isang karanasan na ikaw ay tumingin sa Panginoon.
- Ang Diyos ay makapangyarihan at maawain. Ito ba ay isang katotohanan na nahihirapan kang isapuso? Ano ang karanasan mo sa katotohanang ito?
- Ano para sayo ang kahulugan ng umasa sa Diyos para sa Kanyang awa?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Paano mo nais na tumugon sa awa ng Diyos?
- Paano ka titingin sa Diyos ngayon? Mayroon bang aspeto ng iyong buhay na kailangan mong ipasa-Diyos? Paano mo ito gagawin?
- Anong natutunan mo sa talatang ito na nais mong matandaan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
- Paggaling ng mga may sakit at proteksyon para sa mahina ang pangangatawan
- Pagpapanatili sa mga negosyo; ang mga kailangang pagbabago sa pagpapatakbo ng negosyo dahil sa pandemya
- Pagkakaisa ng mga lokal na gobyerno sa pagpigil sa pagkalat ng virus
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.