Close

June 7, 2020

Wow Church! | Draw Near to God

Huwag nating isuko ang ating pagkakaisa ng loob at ang pagtamasa ng kagalakan bilang isang simbahan habang hinihintay ang araw na tayo ay makakapagtipon-tipon muli. Sa pamamagitan ng Psalms 122, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na magpatuloy na magmahal, mamuhay sa kapayapaan, at gumawa ng nakabubuti para sa isa’t-isa bilang isang simbahan.

Let us not give up oneness in Spirit and finding joy in being the church as we look forward to the day when we can gather again as a congregation. Through Psalms 122, Ptr. Allan Rillera urges us to continue finding ways to love, live in peace, and do good to one another as God’s church.


Basahin sa Bibliya

Psalm 122

Banal na Hapunan

Pamumunuan ni Ptr. Allan Rillera ang Tagalog Communion Service ngayong linggo.

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Ano ang isang bagay na ikinasasabik mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang Awit 122.
  • Ilarawan ang saloobin ni David sa pagpunta niya sa Jerusalem. Bakit siya nagagalak?
  • Ilarawan ang lungsod ng Jerusalem.
  • Bakit nanawagan si David na manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Anong uri tayo ng simbahan?
  • Anong klaseng simabahan ang nais mong maging?
  • Mayroon ka bang kapatid sa pananampalataya na kailangan mong makipagayos?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano tayo magiging isang simbahan na naaayon sa kagustuhan ng Diyos? Paano mo ito gagampanan bilang isang Kristiyano?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
    • Na sa kabila ng ng mga di-pagkakaisa at kawalang-katarungan ay matupad ang mga layunin ng Panginoon ayon sa Kanyang katapatan
    • Na maipasa-Diyos ang takot sa puso ng mga tao dahil sa kawalan ng katiyakan ng mga bagay-bagay
    • Na maipakita at maturuan ng mga magulang ang buong pamilya na magtiwala sa Diyos sa mga panahong ito

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.