Lord, Hindi Ko Na Yata Kaya: How to Endure Life’s Realities | Draw Near to God
Paano ba natin papasanin ang mga sakit at pagdurusa sa buhay? Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Mike Cariño na lumapit sa Panginoon at manatili sa kanyang pagmamahal, awa, karunungan, at katapatan na hindi kailanman magbabago sa kabila ng anumang paghihirap sa buhay.
How do we endure life’s pains and suffering? In this message, Ptr. Mike Cariño urges us to draw near to God and remain in His unchanging love, compassion, wisdom, and faithfulness as we face the difficult realities of life.
You can also jump directly to Ptr. Mike’s message on YouTube.
Basahin sa Bibliya
Psalm 90
Mga Gabay an Tanong
Magdasal bilang panimula at gamitin ang mga gabay na tanong para sa diskusyon o pagmuni-muni.
1. Engage one another (15-30 mins)
- Ibahagi sa grupo/Isipin kung kailan mo huling naramdaman ang galak at ligaya?
2. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Awit 90.
- Ano ang inihahayag ng talata tungkol sa Diyos?
- Paano inilarawan ni Moses ang buhay ng tao?
- Ano ang ibig sabihin ng ‘itong buhay nami’y maikli lang na panahon’?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- May panahon ba na nakaramdam ka ng panghihina ng loob / pagkawalan ng pag-asa sa buhay? Mangyaring ibahagi.
- May kagalakan at ligaya ka ba sa Diyos? Kung oo, sa anong paraan? Kung hindi, ano ang mga hadlang? (Mayroon bang kasalanan na humahadlang sa iyo para maramdaman ang galak at ligaya sa Diyos?)
4. Engage the hands (15-20 mins)
- Mayroon ka bang desisyon na kailangan mong gawin sa kasalukuyan? Paano mo mahahanap ang karunungan na mula sa Diyos?
- Ano ang natutunan mo sa talata ngayon? Ano ang nais mong gawin sa iyong natutunan?
Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
- Tiwala sa Diyos para sa mga taong nahaharap sa mga epekto ng pandemya.
- Na ang ating sitwasyon ay maging daan para hanapin ng tao ang Diyos at tanggapin ang kaligtasan na mula kay Hesus.
- Mga pinuno sa gobyerno at pribadong sektor na gumagawa ng mga desisyon sa gitna ng sitwasyon.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.