Ang Impluwensya ng Isang Maka-Diyos na Ina
Maningning na ilaw sa tahanan ang isang maka-Diyos na ina. Ngayong Mother’s Day, may tatlong prinsipyong ibabahagi si Ptr. Allan Rillera na magsisilbing gabay para sa bawat ina o magulang na nagnanais palakihin ang kanilang anak nang may takot at pagmamahal para sa Panginoon.
A godly mother is a radiant light to a home. This Mother’s Day, Ptr. Allan Rillera shares with us three principles that will serve as a guide for any mother or parent who wishes to bring up a child in love and fear of the Lord.
Maaari mo ring panoorin ang mensahe (Ang Impluwensya ng Isang Maka-Diyos na Ina) sa YouTube.
Basahin sa Bibliya
2 Timothy 1:5
Banal na Hapunan
Pamumunuan ni Ptr. Allan Rillera ang Tagalog Communion Service ngayong linggo.
Mga Gabay na Tanong
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay para sa diskusyon o pagmumuni-muni.
1. Anu-anong mga bagay o katangian ang naimpluwensiya sayo ng iyong ina?
2. Siya ang gumabay sa akin upang makilala si Jesus Christ. Saang landas natin ginagabayan ang ating mga anak? Bakit mahalaga na maipakilala natin si Kristo sa ating anak/kapwa? Paano mo maipapakilala si Hesus sa iyong mga anak/kapwa?
3. Basahin ang 2Timoteo 3:14-17. Siya ang nagturo sa akin ng mga Salita ng Diyos. Bakit mahalaga na maituro natin ang Salita ng Diyos sa ating anak/kapwa? Basahin ang Kawikaan 22:6, paano mo ituturo ang Salita ng Diyos sa iyong anak/kapwa?
4. Siya ang nagpakita sa akin ng pagiging Kristiano. Basahin ang Gawa 16:2, paano napakita sa buhay ni Timoteo ang pagiging Kristiano? Anong klaseng impluwensiya ang gusto mong maibahagi sa iyong anak/kapwa?
5. Paano mo maisasabuhay ang iyong panampalataya?
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.