Close

May 3, 2020

Help for Our Journey: Ang Kalinga na Nagmumula sa Diyos

Ipinapaalala ng Psalms 121 na ang Diyos na lumikha sa atin ay Siya ring nagbabantay at nag-aalaga sa atin. Sa mensaheng ito, inaanyayahan tayo ni Ptr. Joseph na manatili sa katiyakan na kasama natin ang Diyos sa bawat tagpo ng ating buhay.

Psalms 121 reminds us that the God who created is us watching over us and is taking care of us. In this message, Ptr. Joseph Ouano invites us to rest in the certainty that God is with us as we journey through this life.


Basahin sa Bibliya

Psalm 121

Mga Gabay na Tanong

Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay para sa diskusyon o pagmumuni-muni.

1. Kamusta ka nitong nakaraang linggo (emotionally, spiritually, and financially)?

2. Basahin ang vv.3-4. Ang Diyos na Tagapaglikha ay ang ating mapagmatyag na Tagapagtanggol. Paano ka iniingatan ng Panginoon? Ano ang ibig sabihin para sa iyo na ang Diyos ay hindi umiidlip o natutulog?

3. Basahin ang vv.5-6. Ang Diyos na Tagapaglikha ay ang ating malilim na Sanggalang. Naranasan mo na ba na ang Diyos ay iyong Sanggalang, sa paanong paraan?

4. Basahin ang vv.7-8. Ang Diyos na Tagapaglikha ay ang ang ating maingat na Tagapangalaga. Sa araw-araw na buhay mo, paano ka inaalagaan ng Diyos?

5. Nasaan ka ngayon sa paglalakbay mo sa buhay?


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.