God, Will I be Okay? Mga Tugon sa Pusong Nababagabag
Kahit na ang ating paligid ay balisa, maaring manatiling panatag ang ating mga puso. Sa mensaheng ito, ipinapahayag ni Ptr. Mike Cariño na kung ang Diyos ang ating kanlungan, hindi tayo mayayanig ng anumang kaguluhan. Sa Kanyang mga kamay, mahahanap natin ang kaligtasan.
Even when there’s cause for anxiety all around us, our hearts can be at peace. This week, Ptr. Mike Cariño reminds us that, when God is our refuge, we will not be shaken. We are at our safest when we place our lives in His hands.
Basahin sa Bibliya
Psalm 16
Mga Gabay na Tanong
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay para sa diskusyon o pagmumuni-muni.
1. Naitanong mo ba sa sarili ang ‘magiging okay ba ako’? Ano ang pinagdaanan mo noon?
2. Basahin ang v.1 at 8-10. God is my strong security – hindi ako mayayanig ng takot. Paano nilagay ni David sa Diyos ang kanyang seguridad? What is your source of security (people, money, work, skills, health, etc.)? Para sa iyo, paano ka magtitiwala na ang Diyos ang iyong seguridad?
3. Basahin ang v.2 at 5-6. God is my greatest treasure – hindi ako magkukulang ng pangangailangan. Anu-ano sa tingin mo ang mga kakulangan sa buhay mo? Paano nasabi ni David na ang Dioys ay kanyang kayamanan? Ano ang ibig sabihin ng ‘Diyos ang aking kayamanan’? Pagmuni-muni: Kung wala ang Diyos sa iyong buhay, ano ang matitira sa iyo?
4. Basahin ang v.3 at 11. God is my highest joy – hindi ako magagapi ng lungkot. Anong bagay o sino ang nagbibigay sa iyo ng saya? Para kay David, anu-ano ang nagbibigay sa kanya ng saya?
5. Ano ang bumabagabag sa iyo ngayon at paano mo ito maipagkakatiwala sa Diyos?
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano..