Si Cristo ay Buhay! Bakit Ba Ito Mahalaga?
Gaano na lamang kahabag-habag ang ating mga buhay kung mawawala ang pag-asa ng buhay na walang hanggan? Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, hinikayat tayo ni Ptr. Mike Cariño magtanong: Kung si Hesus ay muling nabuhay mula sa kamatayan, ano ang bisa at kabuluhan nito sa aking buhay?
Just how dismal would our lives be without the hope of eternal life? This Easter, Ptr. Mike Cariño urges us to live our faith by asking: If Jesus rose from the dead, why and how should it affect the way I live?
Basahin sa Bibliya
1 Corinto 15:12–20
Mga Gabay na Tanong
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay para sa diskusyon o pagmumuni-muni.
1. May mga alinlangan ka ba na si Cristo ay nabuhay muli? Ano-ano ito? Ano ang mga ebidensya na si Hesus ay buhay?
2. Read 1 Cor.15:12-16 and 20. Dahil si Cristo ay buhay, tunay ang ating pananampalataya. Ano ang kabuluhan ng pagkabuhay ni Cristo sa ating pananampalataya?
3. Read 1 Cor.15:17 and 20. Dahil si Cristo ay buhay, bayad na ang ating kasalanan. Sa paanong paraan nahugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkamatay at pagkabuhay ni Cristo? What are your tendencies to work for your sins instead of surrendering them to Christ’s death on the cross?
4. Read 1 Cor.15:17-20. Dahil si Cristo ay buhay, sigurado na ang ating kaligtasan. Do you feel secured of your salvation? Anong klaseng kinabukasan ang pangako ng Diyos sa mga naniniwala kay Hesus?
5. Reflect: What does it mean for me that Jesus is resurrected and is alive?
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano..