Close

March 29, 2020

Sa Diyos Nakasalalay ang Ating Tagumpay | Draw Near to God (15)

Bagaman lahat tayo ay nagnanais na maging matagumpay, umaasa tayo sa iba’t ibang bagay upang makamit ito. Sa pamamagitan ng Psalm 127, ipinapaalala ni Ptr. Allan Rillera na hindi makakamit ang tunay na tagumpay kung wala sa Panginoon ang ating pagtitiwala.

While we all aspire to be successful, we count on different things to achieve it. Through Psalms 127, Ptr. Allan Rillera reminds us that true success cannot be found apart from reliance on God.


Handa ka na ba?

Buksan natin ang ating mga Bibliya o paboritong Bible Study app. Ilagay sa silent mode ang mga cellphone at iba pang gadget. Manatiling panatag at ituon natin ang ating mga puso’t isipan sa presensiya ng Panginoon.

Basahin sa Bibliya

Psalm 127:1-5

Purihin ang Panginoon sa Pag-awit

Ihanda ang ating mga puso para magsamba.

Pakinggan ang Mensahe

Maaring pakinggan ang audio o video.

Mga Gabay na Tanong

Gamitin ang mga sumusunod na bilang gabay para sa diskusyon o pagmumuni-muni.

1. Para sa iyo, ano ang tagumpay? Paano mo masasabing matagumpay ka?

2. Basahin ang vv. 1-2. Sa Kanya nagmumula ang tunay na tagumpay. What are the things you want to build? Sa paanong paraan mo ito ipinupundar? What are your tendencies to seek your own strengths? Sa paanong paraan ka nagtitiwala sa Diyos?

3. Sa Kanya nagmumula ang tunay na seguridad. What do you do to feel secure? Basahin ang Ps.33:16-19, ano ang ibig sabihin ng verses na ito? Read 2Chr.20:6-7, anong ginawa ni King Jehoshaphat noong siya ay nahaharap sa panganib? How did God protect him in 2Chr.20:17? Sa mga oras na ito, sa anong bagay mo linalagay ang seguridad mo maliban sa Panginoon? Paano mo mailalagay sa Panginoon ang seguridad mo?

4. Basahin ang vv.3-5. Sa Kanya nagmumula ang pagpapala. How have you been a blessing to your parents? Read Deut.6:4-9, sa paanong paraan natin itataguyod ang ating mga anak?

5. Ano ang natutunan mo patungkol sa Diyos sa message na ito? How would you like to respond to this message?