Paghandaan Ang Pagdating ng Panginoon
Si John the Baptist ay naglingkod bilang tagapagbalita sa unang pagdating ng Tagapagligtas at Hari ng sanlibutan. Sa linggong ito, hinihikayat tayo ni Pastor Allan Rillera na suriin ang ating mga puso, pagsisihan ang ating mga kasalanan, at paghandaan ang nalalapit na pagdating ng kaharian ng Diyos at muling pagbabalik ng ating Hari.
John the Baptist served as a herald for the first coming of the Savior and King. This week, Pastor Allan Rillera urges us to examine our hearts, repent of our sins, and prepare for the coming kingdom of God and the return of our King.
Basahin sa Bibliya
Mark 1:2-8
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung paano mo pinaghahandaan ang pagdating ng Panginoon.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano nauugnay ang mga propesiya sa Lumang Tipan sa ministeryo ni John at sa pagdating ni Jesus bilang Messiah?
• Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng bautismo ni John at ng bautismo na dinadala ni Hesus? Bakit mahalaga ang mga pagkakaibang ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang dapat mong talikuran na sa tingin mo’y hindi kaakit-akit sa mata ng Diyos o hindi karapat-dapat sa presensiya ng Panginoon? Sa palagay mo, nakikita ba sa buhay mo ngayon ang pagsisisi na ginawa mo noon?
• Para sayo, ano ang kabuluhan nang malaman mong si Hesus ay hindi lamang ordinaryong tao kundi Sya ang Panginoon ng lahat? Ngayong nakita mo ang pagkakaiba ng kahulugan ng bautismo ni John at ang baustismo mula sa Espiritu, paano tayo mamumuhay ngayon na tayo’y nabautismuhan ng Banal na Espiritu?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo maipapakita ang tunay na pagsisisi sa iyong mga kilos at desisyon sa linggong ito?
• Paano mo ipapasa-Diyos ang isang bahagi ng iyong buhay kay Hesus at humingi ng patnubay ng Kanyang Espiritu?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Langit sa pagtupad sa Kanyang mga pangako sa pamamagitan ng pagdating ng sugo at paghahayag kay Hesus bilang Messiah na Syang nagbabautismo sa atin sa Banal na Espiritu. Magpasalamat sa Kanyang katapatan sa pagtawag sa atin upang magsisi at sa kapangyarihan ng Kanyang Espiritu na nagbabago sa ating buhay. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa kaloob ng kaligtasan at katiyakan ng Kanyang walang-hanggang kaharian.
• Humingi ng kapatawaran sa mga panahong hindi mo pinansin ang tinig ng Diyos upang magsisi at nagpatuloy sa kasalanan. Ipanalangin na ikaw ay magpakumbaba at matutong tumalikod sa kasamaan at mamuhay sa pagsunod sa Salita ng Diyos. Ipagdasal din na maialay mo ang iyong buhay kay Hesus at hayaan ang paggabay ng Banal na Espiritu na linisin at baguhin ka araw-araw.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.