Close

November 3, 2024

The Living Christ at ang Ating Life Challenges

Ang kaalaman na si Kristo ay buhay ay dapat magbigay-inspirasyon sa atin na mabuhay para sa Panginoon araw-araw. Sa linggong ito, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na yakapin ang pag-asa ng muling pagkabuhay, bukas palad na tumulong sa mga nangangailangan, at buong-pusong magmahal ng kapwa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

The knowledge that Christ is alive should inspire us to live each day for the Lord. This week, Rev. Mike Cariño encourages us to embrace the hope of the resurrection, generously help those in need, and show love to one another despite life’s challenges.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthains 15:58; 16:1-14

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng kamakailang pagkakataon na may nagpakita ng generosity sa iyo at nagbigay ayon sa iyong mga pangangailangan.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mahalaga na ang pagbibigay ay mula sa pusong mapagbigay at ayon sa kakayahan nating magbigay?
• Bakit kailangang pagmamahal ang maging pundasyon ng ating mga pagkilos at paglilingkod? Isipin kung ano pang mga ibang values ang pundasyon natin sa halip na pagmamahal (ex: seguridad, kaginhawaan, pagtanggap ng iba sa iyo). Ano kaya ang hitsura nito?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Gaano ka kahanda na i-submit ang iyong mga plano at hangarin sa Diyos, lalo na kapag ang mga bagay ay hindi nangyayari ayon sa inaasahan mo? Para sayo, madali ba o mahirap magtiwala na Siya ang higit na nakakaalam? Bakit?
• Suriin ang iyong puso: Ano ang iyong mga motibasyon at mga inaasahan sa tuwing ikaw ay naglilingkod o tumutulong sa iba? Nanggagaling ba ito sa malasakit o obligasyon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo masasanay na i-surrender ang iyong mga plano sa Diyos ngayong linggo? Sa anong bahagi ng iyong buhay ang kailangan ng pagtitiwala at pag-surrender?
• Sa anong mga partikular na paraan maipapakita mo ang pagmamahal sa iyong mga aksyon at pakikipag-ugnayan sa iba ngayong linggo? Mayroon bang nangangailangan na maaari mong tulungan sa praktikal or financial na paraan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa pag-asa dahil sa Kanyang resurrection, na nagbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang bawat araw nang may pagtitiwala. Magpasalamat sa Kanyang paggabay sa ating mga hakbang at sa pagbibigay sa atin ng mga pagkakataong umunlad at maglingkod sa iba. Magalak sa Kanyang pagmamahal na nagbibigay-kapangyarihan sa atin na mahalin ang iba, kahit na ito ay mahirap.
• Magsisi sa mga panahong nahirapan kang magtiwala sa mga plano ng Diyos o nagpigil sa pagbibigay ng bukas-palad sa mga nangangailangan. Humingi ng kapatawaran sa anumang sandali na ang iyong mga aksyon ay kulang sa pagmamahal o nagiging obligasyon lang sa halip na taos-pusong pagkilos. Manalangin para sa lakas na magtiwala sa Kanyang kalooban at panibagong pangako na magmahal at maglingkod nang buong puso.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.