Close

September 1, 2024

Without Love, Walang Malasakit Para Sa Ating Kapwa

Kailangan ng tunay na pagmamahal upang maisakatuparan ang pagkakaisa at pagkakasundo sa loob ng simbahan. Sa linggong ito, bibigyang-diin ni Rev. Mike Cariño na ang tunay na pagmamahal ay naghahangad para sa mabuting kapakanan ng iba, umiiwas na makasakit ng kapwa, at nagmamalasakit sa bawat isa.

True love is needed to achieve unity and harmony within the church. This week, Rev. Mike Cariño emphasizes that true love seeks the well-being of others, refrains from harming others, and shows care for one another.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 13:4-7

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang pagkakataon na naramdaman mong may nagpakita sa iyo ng hindi inaasahang kabaitan o pasensya. Paano ito nakaapekto sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano inilarawan ni Paul ang mga ugali na dapat iwasan ng Agape love? Bakit nakakasira ito sa relasyon natin sa Diyos at sa kapwa?
• Ano ang ibig sabihin ng pagpapakita ng Agape love sa konteksto ng pagkakaisa ng simbahan at pakikipag-ugnayan sa iba?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kailan mo napapansin na may posibilidad kang magpigil ng kabaitan o pasensya sa iba? Ano sa palagay mo ang makatutulong sa iyo na maipakita mo ang Agape love sa kanila, lalo na sa mga nakasakit sa iyo?
• Pagnilayan ang mga pagkakataong napansin mong madali kang mairita, magselos, o maging makasarili sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa iba. Ano ang maaaring ipakita ng mga reaksyong ito tungkol sa iyong puso?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang isang pag-uugali o saloobin na nahihirapan kang i-kontrol (tulad ng inggit, pagmamataas, o pagiging iritable). Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang ma-overcome ito upang mas maipakita mo ang pagmamahal mo ang iba?
• Isipin ang isang taong maaaring nalayo mo sa iyong sarili dahil sa mga nakaraang pananakit o pagkakamali. Paano ka hinihikayat ng Diyos na magbigay ng grace at kapatawaran o ibalik ang relasyong ninyo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa Kanyang perpektong pagmamahal na nagtuturo sa atin kung paano mahalin ang iba nang walang kondisyon. Magpasalamat sa Kanya sa pagpapakita sa atin ng kabaitan, pagtitiyaga, at pagpapatawad, kahit na nagkukulang tayo. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa pagkakaisa at pagkakasundo ng Kanyang pagmamahal sa ating mga relasyon, na nagpapahintulot sa atin na hanapin ang ikabubuti ng iba at malampasan ang mga hamon nang sama-sama. Ipanalangin na ang Kanyang pag-ibig ay patuloy na mag-uumapaw sa iyong puso, upang maipakita mo ang Kanyang katangian sa iyong mga kilos at salita.
• Lumapit sa Panginoon nang may pagsisisi. Kilalanin mo ang mga pagkakataong naiinip ka, nakasentro ka sa sarili, o mabilis kang magalit. Humingi ng kapatawaran sa mga sandali kung kailan binibilang mo ang mga pagkakamali o nabigong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Hilingin sa Diyos na tulungan kang palayain ang anumang pag-iingit, pagmamataas, o hinanakit sa iyong puso, at turuan kang magmahal nang may pagpapakumbaba, grasya, at pagpapatawad.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.