Gamitin ang Kalayaan Mo for the Glory of God
Bilang mga mananampalataya, ang ating kalayaan kay Kristo ay may kaakibat na mga responsibilidad. Ngayong linggo, pinaalalahanan tayo ni Rev. Mike Cariño na huwag gamitin ang kalayaang ibinigay ni Kristo para lamang sa makasariling mga layunin. Gamitin natin ito para magbigay karangalan sa Diyos at maibahagi sa iba ang Kanyang mapagpalayang presensya.
As believers, our freedom in Christ comes with responsibilities. This week, Rev. Mike Cariño urges us to not misuse our Christ-given freedom for selfish purposes. Instead, let us bring glory to God and help others know His liberating presence.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 10:14-11:1
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Mag-identify ng isang taong hinahangaan mo ang kanyang pang-araw-araw na pamumuhay sa pagsunod kay Jesus? Anong mga partikular na aksyon o pag-uugali ang ipinapakita niya na nagbibigay-inspirasyon sayo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Anong prinsipyo ang kailangang mangibabaw sa lahat ng ating mga pagkilos, kabilang ang mga malabo o grey areas?
• Tinuturo ba ni Paul sa v.33 na dapat tayo maging isang people-pleaser? Ano ang itinuturo sa atin ng talatang ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo nakikita ang iyong personal na kalayaan kay Jesus? Nakikita mo ba na inuuna mo ang iyong sariling mga karapatan kaysa sa kapakanan ng iba?
• Pag-isipan ang isang pagkakataon na gumawa ka ng isang bagay na, kahit na hindi nagdulot ng pinsala sa iyo, ay maaaring nagdulot ng pagkatalisod sa pananampalataya ng iba. Paano nakaapekto ang karanasang iyon sa iyong paguunawa sa kalayaan mo bilang Kristyano?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang matiyak na hindi ka nakikibahagi sa mga bagay o gawain na maaaring nagiging pagsamba sa diyos-diyosan o nakakasira sa iyong relasyon kay Jesus?
• Anong mga bahagi ng iyong buhay ang dapat mong pagtuonan ng pansin upan i-ayon sa halimbawa ni Jesus? Gumawa ng plano para lumago sa mga aspeto na ito (maghanap ng accoountability mula sa iyong Life Group, pamilya, mga kaibigan, o iba pang pinagkakatiwalaang tao o grupo).
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa kalayaang mayroon tayo kay Jesus at sa pagkakataong luwalhatiin Siya sa pamamagitan ng ating mga pagkilos. Magpasalamat sa Kanya para sa mga halimbawa at aral sa Kanyang Salita na gumagabay sa atin na gamitin ang ating kalayaan nang may pananagutan, upang patibayin ang iba, at dalhin ang mga hindi pa naniniwala kay Jesus patungo sa kaligtasang regalo Niya. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa Kanyang hindi-nagbabagong pagmamahal at sa pagtawag sa atin na mamuhay tulad ni Jesus, na isinasaalang-alang ang iba bago ang ating sarili.
• Pagsisihan ang mga panahong inuna mo ang iyong sariling mga karapatan at kalayaan kaysa sa kapakanan ng iba at sa Kanyang kaluwalhatian. Humingi ng kapatawaran para sa anumang pakikibahagi sa mga gawaing maaaring humantong sa pagkatalisod ng iba at hindi mo naisabuhay ang pag-ibig ni Jesus. Hilingin sa Diyos na tulungan ka Niyang talikuran ang anumang masamang pag-uugali at sa halip ay magkaroon ng konsiderasyon sa iba, at mamuhay sa paraang magdadala sa mga tao sa pag-ibig ng Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.