Close

October 23, 2022

Gusto Ko Magbago, Paano? Extreme Makeover Through the Gospel (Part 2)


Mayroong mga pagkakataon na tayo’y mapagmataas habang naglilingkod sa simbahan. Itong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño na ang Gospel ang magbabago at magtuturo sa atin kung paano gamitin ang mga biyaya at kakayahang handog ng Diyos upang paglingkuran Siya.

Why do we tend to compare ourselves or look down on others even while serving in the church? This week, Ptr. Mike Cariño explains how the Gospel redirects our views and teaches us how we use our God-given gifts to serve the body of Christ.


Basahin sa Bibliya

Romans 12

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Maglaan ng ilang minuto para ibahagi ang espirituwal na kaloob (spiritual gifts) ng isa’t isa. (Note to leaders: Maaaring ipasagot sa mga miyembro https://giftstest.com/test bago magtipon.)
• Maaaring basahin ito upang mas maintindihan ang spiritual gifts https://www.tyndale.com/sites/unfoldingfaithblog/2018/11/13/your-spiritual-gifts-how-to-identify-and-effectively-use-them/

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang ibig sabihin na tayo ay isang ‘handog na buhay’?
• Magbigay ng halimbawa kung paano gagamitin ang ating spiritual gifts?
• Ano ang kahalagahan ng paggamit ng ating spiritual gifts?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan at ibahagi: Kung ang lahat ng mananampalataya ay ginagamit ang kanilang spiritual gifts, ano ang hitsura nito sa ating komunidad?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Isipin at magbahagi ng ilang paraan na magagamit mo ang iyong mga espirituwal na kaloob (maaaring sa loob o labas ng simbahan). Alin sa mga paraan na ito ang maaari mong simulan? (Paalala sa mga pinuno: Pagtibayin at hikayatin)

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Panginoon sa pagpapala sa atin ng mga regalo na magagamit natin sa pagpapatibay sa Katawan ni Kristo.
• Ipanalangin na magkaroon ng pusong handang magsilbi sa ibang tao at pusong mapagkumbaba na tumanggap ng suporta mula sa ibang tao para sa ating kahinaan. Manalangin para sa pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng ating kaloob mula sa Diyos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.