Close

May 16, 2021

Wala Sa Yaman

Kahit na nag-uumapaw sa kayamanan si Haring Solomon, naramdaman pa rin niya ang kawalang-kabuluhan at kawalang-katuturan ng buhay. Sa mensaheng ito, ipinapaliwanag ni Ptr. Allan Rillera kung bakit ang Diyos lamang ang magbibigay ng tunay at walang hanggang kasiyahan sa ating buhay.

Even though he had unimaginable wealth, King Solomon felt that life was vain and meaningless. In this message, Ptr. Allan Rillera explains why only God can bring lasting happiness.


Basahin sa Bibliya

Ecclesiastes 6

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Gamit ang isang salita, ilarawan kung ano ang nararamdaman mo ngayon.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Anong mga obserbasyon ni Solomon ang nakatala dito?
  • Ano ang matututunan natin tungkol sa Diyos mula sa talatang ito? (vv.10-12)

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Anu-ano ang mga humahadlang sa atin mula sa tunay na pagtamasa ng mga pagpapala ng Diyos?
  • Anong larawan ang naiisip mo kapag sinabing “tamasahin ang mga pagpapala ng Diyos”?
  • Pagnilayan: Paano nagiging idolo/diyos-diyosan sa ating puso ang mga pagpapala o biyaya ng Diyos?
  • Pagnilayan ang v.10. Ano ang kahulugan ng talatang ito para sa iyo? Paano ka hinihikayat o “ine-encourage” ng talatang ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ang tunay at walang hangganang kasiyahan ay nagmumula sa pagkakaroon ng takot sa Diyos. Anong mga hakbang ang maaari mong gawin patungo dito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pagdating ng mga bakuna sa mga darating na araw at ang maayos na implementasyon ng lokal na gobyerno sa pangangasiwa at pamamahagi nito.
    • Ang pagkakaroon ng UK, South African, at Indian na COVID variant sa Pilipinas.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.