Kung Ikaw ay Nawawalan ng Pag-asa
Si Hesus ang wakas at tunay na paghuhukom ng Diyos sa kasalanan at kasamaan. Ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ni Ptr. Joseph Ouano na sa krus ni Hesus, nawalan na ng kapangyarihan ang kasalanan at natalo na ang kasamaan. Ibigay natin ang ating buong pagtitiwala kay Hesus na Siyang ating tagapagligtas at pag-asa!
Jesus is God’s final and true judge for sin and evil. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that sin lost its power on the cross and Jesus has defeated evil. Let us put our trust in Him who is our Savior and our Hope.
Basahin sa Bibliya
Malachi 4:1-6
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
- Subukang alalahanin ang isang usapan o karanasan na nagturo ng isang makabuluhang bagay para sa iyong buhay.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Bakit mayroong kaparusahan o paghuhukom?
- Basahin ang verse 1-3. Ano-ano ang mga pangako ng Diyos sa mga sumusunod sa Kanya? Ano ang mangyayari sa mga hindi sumusunod sa Kanya?
- Anong klaseng kaligayahan ang mayroon para sa mga nananampalataya sa Diyos?
- Bakit paulit-ulit na binabanggit ni Malachi ang darating na araw ng Panginoon? Ano ang kahalagahan nito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ilarawan ang iyong relasyon sa Panginoon. Anong klaseng relasyon ang nais ng Diyos na mamagitan sa atin at sa Kanya?
- Paano winasto ni Hesus ang mga pagkakamali ng sanlibutan? Sa pagliligtas ni Hesus sa atin, anong uri ng pag-asa ang binibigay Niya sa iyo?
- Sa paanong paraan inaayos o binubuo ng Diyos ang iyong pananampalataya? Handa ka bang harapin kung paanuman ito gagawin ng ating Panginoon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa iyong natutunan mula sa libro ni Malachi o mula sa iyong devotion, ano ang isang bagay na itinuturo sa iyo ng Diyos na sundin? Paano mo ito gagawin?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Para sa mga pinuno ng ating bansa na gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad, isantabi ang politika, at paglingkuran ang ating mga naghihirap na kababayan.
- Para sa pagtugon ng gobyerno patungkol sa mga hakbang na pang-kalusugan at pang-ekonomiya sa gitna ng kasalukuyang pandemya at mga nagdaang bagyo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.