Mapalad ang mga Taong Nasa Presensiya ng Diyos | Draw Near to God
May kasiyahan, kalakasan, at pagpapalang nakalaan para sa mga taong nasa presensiya ng Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na lumapit sa Panginoon at manatili sa Kaniyang presensiya.
Joy, strength, and blessings are in store for those who dwell in God’s presence and worship Him. This week, Ptr. Allan Rillera urges us to draw near to God and remain in His presence.
Basahin sa Bibliya
Psalm 84
Mga Gabay na Tanong
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay para sa diskusyon o pagmumuni-muni.
1. Paano ba masasabing tayo ay nasa presensiya ng Diyos? Ano ang kahulugan nito?
2. Basahin ang vv.1-4. Mapalad sapagkat sila’y nasa presensiya ng Panginoon. Basahin ang Exodo 25:8, bakit ipinagawa ng Diyos ang Toldang Sambahan? Paano mo masasabing ikaw ay nasa Presensiya ng Diyos? Ano ang buhay ng isang tao na nasa presensiya ng Diyos? Anong klase ng buhay ang mayroon ang isang tao na malayo sa presensiya ng Diyos?
3. Basahin ang vv.5-7. Mapalad sapagkat sila’y nasa kalakasan na mula sa Panginoon. Ano ang sinisimbolo ng ‘lambak ng Baca’? Ano ang pinagdadaanan mo na pakiramdam mo para kang nasa lambak ng Baca? Saan ka sasandal at huhugot ng lakas? Paano ka magtatagumpay sa mga pagsubok?
4. Basahin ang vv.8-12. Mapalad sapagkat sila’y nasa pagpapala ng Panginoon. Bakit mas ninanais ng mangaawit na maging tanod sa Templo? Ano ang mas hinahangad mo, ang binibigay ng mundo o ang presensiya ng Diyos?
5. Gaano kahalaga ang presensiya ng Diyos para sa iyo?
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.