Close

March 9, 2025

Pinalitan Mo Ng Kagalakan Ang Aking Pagsusumamo

Ang paghahanap sa Diyos sa pamamagitan lamang ng relihiyon ay madalas na humahantong sa kawalan ng pag-asa at desperasyon. Ngayong linggo, ipinaliwanag ni Ptr. Allan Rillera na ang tunay na kagalakan at pag-asa ay matatagpuan sa natatanging presensiya ni Hesus. People who search for God through religion alone will often find hopelessness and despair instead. This week, Ptr. Allan Rillera reveals that true joy and hope come from experiencing the unique, saving Presence of Jesus Christ.


Basahin sa Bibliya

Marcos 2:18-22

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng karanasan nang itinuring mo ang isang bagay bilang burden o tungkulin ngunit sa bandang huli ay naging dahilan ng kagalakan. Ano ang nagbago?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano inihambing ni Jesus ang Kanyang presensya sa isang pagdiriwang ng kasal? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa ating ugnayan sa Kanya?
• Ano ang itinuturo ng mga parable ng luma at bagong tela at mga sisidlang balat tungkol sa pagkakaiba ng old at new covenant?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga bahagi ng buhay mo ang nahihirapan kang tanggapin ang kapatawaran ng Diyos?
• Mayroon bang mga pagkakataon na ang iyong mga gawaing pangrelihiyon ay nagiging paraan upang makaramdam ka ng pagiging karapat-dapat sa harap ng Diyos, katulad ng ginawa ng mga Pharisee?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang paraan na maipapahayag mo ang pasasalamat sa mga pagbabago at pag-asa na dulot ni Jesus sa iyong buhay?
• May mga tao ka bang kilala na hanggang ngayon ay hindi masaya dahil wala si Kristo sa buhay nila? O kaya mga tao na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin na ang sariling kabutihan ang tanging paraan para maligtas at mapatawad sa kasalanan? Paano mo maibabahagi ang kagalakan at kabutihan ni Jesus sa kanila?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa ating kagalakan kay Kristo, na nagpalaya sa atin mula sa mga pasanin ng kautusan. Magpasalamat sa Kanyang presensya, na nagdadala ng pagbabago, pag-asa, at katiyakan ng Kanyang kabutihang-loob. Magalak na dahil kay Jesus, hindi na tayo malayo sa Diyos at maaari na tayong lumapit sa Kanya nang may katapangan at pagtitiwala.
• Magsisi sa mga panahong mas nakatuon ka sa mga gawaing panrelihiyon kaysa sa kagalakan ng pagkakilala kay Kristo. Humingi ng kapatawaran sa anumang pagtutol sa mga pagbabagong nais Niyang gawin sa iyong buhay. Manalangin para sa isang puso na ganap na tinatanggap ang Kanyang biyaya, na nagpapahintulot sa Kanya na baguhin ang iyong isip at espiritu.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.