Close

February 23, 2025

Shocked, Confused, then Healed

Katangi-tangi ang kwento ng pagpapagaling sa paralitiko dahil sa di-pangkaraniwang tugon ng pasyente, ng kanyang mga kaibigan, at ng Manggagamot. Ngayong linggo, tatalakayin ni Pastor Jared Co ang kakaibang pananampalataya at pagkilos na ikinagulat, ikinalito, at ikinamangha ng mga nakasaksi sa himalang ito.

The story of Jesus healing the paralytic is remarkable because of the extraordinary response of the patient, his helpers, and the Healer. This week, Ptr. Jared Co explores the unusual faith and actions that surprised, confused, and amazed those who witnessed this miracle.


Basahin sa Bibliya

Mark 2:1-12

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon kung saan nagulat ka o nalito sa isang bagay, ngunit kalaunan ay napagtanto mo na ito ay para sa iyong ikabubuti. Ano ang nangyari, at ano ang natutunan mo mula sa karanasang ito?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit nagulat ang mga tao nang patawarin ni Jesus ang mga kasalanan ng paralitiko bago pa siya pagalingin? Ano ang inihahayag nito tungkol sa mga prayoridad ni Jesus?
• Paano Nya kinausap ang puso ng paralitiko at ng mga nagtuturo ng Kasulatan sa talata na ito? Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa biyaya Nya?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anu-anong mga paraan mo nakita ang pagpapagaling ng Diyos—pisikal, emosyonal, o espirituwal—sa iyong buhay? Paano nito pinalalim ang iyong relasyon sa Kanya?
• Mayroon ka bang mga kaibigan na tinutulungan kang lumapit kay Jesus? Paano ka nila natulungang lumago sa pananampalataya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, madalas ka bang humingi ng mga pisikal/kongkretong solusyon bago ang mga solusyon na nangangailangan ng pananampalatayan? Paano ka kinakausap ng Diyos para baguhin at iayon sa Kanya ang paraan mo ng pagharap sa mga problema?
• Paano ka maaaring maging isang kaibigan na nagdadala sa iba kay Jesus? Ano ang mga praktikal na paraan na maaari mong hikayatin at suportahan ang isang tao sa iyong komunidad?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin si Jesus sa Kanyang walang-sawang pag-ibig na naghahangad na patawarin at pagalingin tayo nang lubusan. Pasalamatan Sya dahil alam Nya kung ano ang kailangan natin kahit hindi natin ito namamalayan sa ating sarili. Magalak tayo sa katotohanang hindi Niya tayo hinihintay na lumakas kundi sinasalubong Niya tayo sa ating kahinaan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, at binibigay Niya sa atin ang isang komunidad na tumutulong para madala tayo sa Kanya.
• Magsisi sa mga pagkakataong hinanap mo ang pansamantalang ginhawa sa halip na ang tunay na espirituwal na pagpapagaling. Humingi ng kapatawaran sa pag-aalinlangan sa pagmamahal ni Jesus nang ang Kanyang mga sagot ay hindi tumugma sa iyong mga kagustuhan. Manalangin na magkaroon ka ng pusong nagtitiwala sa Kanyang wisdom, para ang mga struggles mo ay maglapit sa iyo sa Kanya. Humingi ng lakas na makapag-commit sa isang faith community kung saan maaari kang tumanggap at magpaabot ng pag-ibig ni Kristo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.