Ano Ba Ang Good News?
Ang Gospel ay tungkol sa kaligtasan at Tagapagligtas na kaloob ng Diyos para sa lahat. Sa unang linggo ng taon, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano natin maisasabuhay ang Ebanghelyo at magpatuloy sa pagtitiwala sa ating Panginoong Hesus.
The Gospel is about the gift of salvation and the Savior that God has given to everyone. On the first week of the year, Rev. Mike Cariño shares how we can live the Gospel and continue to trust our Lord Jesus.
Basahin sa Bibliya
Mark 1:1
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang iyong pagkaunawa sa kung ano ang Gospel. Sa pag-unawa na ito, ano ang mga implikasyon nito sa iyong buhay?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang verse. Ano ang pinapakita nito tungkol sa nature ng Good News?
• Ipaliwanag kung paano binibigyang-diin ng titulong “Christ” ni Jesus ang Kanyang tungkulin bilang Tagapagligtas at “Son of God” ang Kanyang layunin bilang divine representative ni God.
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Talagang nakikita mo ba si Jesus bilang iyong Tagapagligtas at iyong Hari? Ano ang naghihikayat o humahadlang sa iyo na makita Siya bilang gayon at mag-fully submit sa Kanya?
• Sa anong mga bahagi ng iyong buhay kailangan mong magsisi at lubusang magtiwala sa Good News ni Jesus?
5. Engage the hands (15-20 mins)
•Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang ibahagi ang Good News ni Jesus sa isang taong hindi pa nakakakilala sa Kanya sa personal na level?
• Sa anong mga paraan ka makapaglingkod sa iba bilang repleksyon ni Jesus, ang perpektong Servant ng Diyos at ang perpekto at ganap na paglilingkod ay nagkamit ng perpektong kaligtasan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa Good News ni Jesus, ang ating Tagapagligtas at Hari, na tumubos sa atin mula sa kasalanan at nagdala sa atin sa kaharian ng Diyos. Magpasalamat sa Kanyang pagpapadala sa Messiah, ang Anointed One, na tumupad sa lahat ng propesiya at nag-alay ng Kanyang buhay para sa atin. Magalak dahil maaari tayong tumanggap ng kapatawaran at mamuhay sa Kanyang biyaya sa pamamagitan ng Kanyang perpektong paglilingkod at kaligtasan.
• Magsisi sa mga panahong naghimagsik ka laban sa Kanyang paghahari at nabigong magtiwala nang lubos sa kapangyarihan ng Kanyang Gospel. Humingi ng kapatawaran para sa iyong mga kasalanan at kawalan ng pananampalataya, at humingi ng tulong upang talikuran ang iyong paghihimagsik. Ipanalangin na ikaw ay magpasakop kay Jesus bilang Tagapagligtas at Hari, at mamuhay ng isang buhay na sumasalamin sa pagtubos at pagmamahal na ibinigay sa atin ng Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.