Maalaala Mo Kaya?
Sa pagtatapos ng taon, alalahanin natin ang kabutihan ng Diyos, ang ating pagkakakilanlan sa Kanya, at ang Kanyang nag-uumapaw na biyaya. Sa linggong ito, hinihikayat tayo ni Pastor Renz Raquion na magbalik-tanaw nang may pasasalamat at mapagpakumbabang pagsunod habang tinatanggap natin ang kapatawaran, pagpapanumbalik, at pagpapala ng Diyos sa atin sa taong 2024.
As the year comes to an end, let us recall God’s goodness, our identity in Him, and His abundant grace. This week, Pastor Renz Raquion urges us to reflect with gratitude and humble obedience as we remember God’s forgiveness, restoration, and blessings throughout 2024.
Basahin sa Bibliya
Psalm 103:1-5
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng tatlong bagay na pinasasalamatan mo para sa taong ito at nais mong dalhin sa susunod na taon.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano inilarawan ni David kung sino ang Panginoon? Ano ang inihahayag ng mga katangiang ito tungkol sa kung sino ang Diyos?
• Ano ang mga halimbawa ng makamundong pag-iisip? Bakit ang pagpapasalamat sa Diyos ay isang lunas mula sa makamundong pag-iisip at nanlalamig at nanlalayo na puso?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ngayon na alam mo ang iyong identity, honor, at glory bilang Kristiyano, paano naaapektuhan ang iyong pagtingin sa iyong sarili?
• Pinahintulutan mo ba ang makamundong pag-iisip o isang matigas na puso na maging sagabal sa iyong pasasalamat sa Diyos? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo sasanayin na alalahanin at ipagdiwang kung sino ang Panginoon sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
• Anong mga pagkilos ang maaari mong gawin upang laging magkaroon ng pusong nagpapasalamat sa Diyos, lalo na sa pagtatapos ng taon at pagsisimula ang isang bagong taon?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon na nagpapatawad sa lahat ng ating mga kasalanan, nagpapagaling sa ating mga sakit, at nagliligtas sa atin mula sa kamatayan. Magpasalamat sa Kanyang wagas na pag-ibig at awa at pinupuno ang ating buhay ng mabubuting bagay. Ipagdasal na huwag mong kalimutan ang Kanyang mga sakripisyo at patuloy na ipahayag ang “Hallelujah!” bilang patotoo ng Kanyang kabutihan at katapatan.
• Magsisi sa mga panahong nakalimutan mong kilalanin kung sino ang Panginoon at ang maraming mabubuting bagay na Kanyang ginawa. Ipagtapat ang mga sandaling nag-alinlangan ka sa iyong pagkakakilanlan kay Kristo o hindi mo Sya napasalamatan sa Kanyang wagas na pag-ibig at awa. Humingi ng panibagong puso na umaalala, nagpaparangal, at nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng pagkakataon.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.