Close

December 22, 2024

The Heart of Christmas

The Heart of Christmas

Ang tunay na diwa ng Pasko ay higit pa sa mga selebrasyon na karaniwang iniuugnay natin dito. Sa linggong ito, binibigyang-diin ni Rev. Mike Cariño na ang puso ng Pasko ay nasa isang Tagapagligtas na ating tatanggapin, isang Tanda na ating maaasahan, at isang Kuwento na muli’t muling isasalaysay.

The true spirit of Christmas lies beyond the festive celebrations we often associate with it. This week, Rev. Mike Cariño emphasizes that the Heart of Christmas lies in the Savior we receive, a Sign we can rely on, and a Story to be told and retold.


Basahin sa Bibliya

Luke 2:1-20

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang kamakailang pagkakataon na talagang napag-isipan mo ang tunay na kahulugan ng Pasko. Paano ito nakatulong sa pagpapahalaga mo sa ginawa ni Jesus bilang ating Tagapagligtas, at paano ito nakaapekto sa iyong relasyon sa Kanya?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano natin nakikita ang buhay at misyon ni Jesus dahil isinilang Sya sa manger o sabsaban at nakabalot Sya gamit ng lampin (vv. 7, 12)?
• Paano tumugon ang mga shepherd sa Magandang Balita na kanilang narinig? (vv.8-20) Ano ang kabuluhan o kahalagahan ng kanilang pagtugon?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Paano mo ipinagdiriwang ang Pasko? Paano nakakaapekto sa iyong kaisipan, pagkilos, at pananalita ang katotohanan ng kapanganakan, buhay, at misyon ni Jesus tuwing ipinagdiriwang ang Pasko?
• Maging honest: Ikaw ba ay puno ng kagalakan at urgency gaya ng mga shepherds na ibahagi ang Magandang Balita ng Pasko sa iba? Bakit o bakit hindi? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo gagawing nakasentro ang iyong pagdiriwang ng Pasko sa pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas sa halip na tumuon sa mga nakasanayang tradisyon?
• Paano mo maipapakita ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapaabot ng kabutihang loob (grace) ngayong Pasko?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa kaloob ng Kanyang Anak, si Jesus Christ, na naparito bilang Tagapagligtas upang manumbalik sa Kanya ang mga makasalanan. Magpasalamat sa Kanya para sa Magandang Balita na nagdudulot ng kapayapaan sa lahat ng naniniwala. Magalak sa mga palatandaan at pangakong ibinigay Nya sa atin sa Kanyang Salita, at ipahayag ang iyong pasasalamat sa mga pagkakataong ibinigay Nya upang ibahagi sa iba ang kwento ng Pasko.
• Magsisi sa mga panahong ipinagdiwang mo ang Pasko nang hindi nakatuon sa tunay na kahulugan nito. Humingi ng kapatawaran sa hindi pagtanggap kay Jesus bilang iyong Tagapagligtas at sa pag-asa sa mga makamundong bagay sa halip na sa Kanyang mga pangako. Ipanalangin na ikaw ay tumugon sa Magandang Balita nang may pananampalataya at pagkilos, na ibahagi ang Kanyang pag-ibig at kaligtasan sa mga nakapaligid sa iyo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.